Masaya si Toni Gonzaga at Paul Soriano na kahit dumarami na ang mga celebrity couples na naghihiwalay ay nananatili pa ring matatag ang kanilang relasyon. Para kay Toni, walang formula ang isang magandang relasyon dahil ito ay nakasalalay lamang sa magkasintahan at itinanggi na magpapakasal na sila ni Paul. Pinagdadasal naman daw nina Toni Gonzaga at Paul Soriano na huwag silang humantong sa hiwalayan. Kung sakali naman na umayaw na ang isa sa relasyon ay ito na maaari ang dahilan para matapos ito. Sa ngayon ay nagpapasalamat si Toni dahil naging maganda pa rin ang takbo ng kanilang pagmamahalan ni Paul.
Limang taon na ang relasyon nina Toni Gonzaga at Paul Soriano kung kaya isa sila sa mga hinahangaang magkasintahan sa showbiz na hindi rin tinatantanan sa isyu ng pagpapakasal. Parehong abala si Toni at Paul sa kani-kanilang mga trabaho kung kaya wala pa raw sa isip ng dalaga ang paglalagay sa tahimik. Naging bukas na noon si Toni Gonzaga patungkol sa usapang ito at inamin na maaaring dalawang taon pa ang hihintayin bago pa siya makapagdesisyon. Aminado naman si Paul Soriano na handa siyang maghintay para sa kasagutan ng kaniyang nobya dahil alam niyang marami pa raw itong gustong gawin sa kaniyang buhay.
Hindi itinanggi ni Toni na maaaring sa edad na 30 pa siya magpapakasal dahil sa tingin niya ay ito na raw ang tamang edad para lumagay sa tahimik. Kasalukuyang 28-taong-gulang na si Toni Gonzaga at maganda ang takbo ng career. Kamakailan lang ay nakatanggap naman si Paul Soriano ng award sa kaniyang pelikula na pinagbibidahan ni Maja Salvador. Masaya si Paul sa karangalan na natanggap at inamin na gusto niya pang gumawa ng mga proyekto na maaaring makilala pa sa ibang bansa.
Kinumpirma ni Toni Gonzaga na wala pang binibigay na singsing sa kaniya ang nobyong si Pau Soriano. Itinaggi rin ni Toni na naghihintay siya ng proposal ng binata dahil sa ngayon ay nag-e-enjoy lang daw siya sa mga nangyayari sa kaniyang buhay. Hindi rin daw magulang ni Toni Gonzaga ang dahilan kung bakit ayaw niya pang magpakasal. Aniya, personal choice niya umano na mag focus muna sa trabaho dahil hindi naman siya nagmamadaling pakasalan si Paul Soriano. Sinusuportahan naman daw ng dalaga ang mga ginagawang mga pelikula ng kaniyang nobyo dahil alam niyang dito ito magiging masaya.
0 comments:
Post a Comment