Ngayong nasa ikalawang season na ang serye nina Miles Ocampo at Marco Gumabao ay mas lalo nang lumalim ang kanilang samahan. Aminado si Miles na nanibago siya noon sa kaniyang unang love team partner sa showbiz na si Marco matapos niyang grumaduate sa mga kiddie roles niya sa Goin’ Bulilit. Masaya si Miles Ocampo dahil hindi na bata ang tingin sa kaniya ng marami simula nang bumida siya sa isang teen-oriented show kung saan naging maganda ang pagtanggap ng kanilang love team ni Marco Gumabao. Hindi itinanggi ng dalagang aktres na si Miles na nagugulat pa rin siya sa kaniyang mga eksena sa LUV U dahil nasanay na siya noon sa mga pambatang role. Naninibago lang daw ang dalaga dahil nagpapakilig na sila pareho ni Marco Gumabao na hindi itinanggi ng dalaga na isang mabait at gentleman na partner.
Inalala naman ni Miles noong unang pagkakataon na nagkaroon sila ng eksena ni Marco. Nangyari ito nang mag workshop sina Miles Ocampo at Marco Gumabao sa ilalim ni Direk Laurice Guillen. Nakatingin lang daw noon si Miles kay Marco dahil sa sobrang tahimik ng binata. Hindi rin daw inaasahan ni Miles Ocampo na kwela pala talaga at masayang kasama si Marco Gumabao. Ngayong nasa second season na ang serye na LUV U ay aminado ang dalaga na naging mas malapit na sila ni Marco at maayos na ang kanilang pagsasama.
Madalas na rin daw makasama ni Miles ang binata kapag lumalabas lalo na raw at kapag lunch break. Hindi itinanggi ni Miles Ocampo na hindi pa rin siya handa na magkaroon ng nobyo sa mga panahong ngayon na abala siya sa trabaho at pag-aaral. Matatandaang ang karakter ng dalaga sa serye ay tila naghahanap ng pag-ibig sa katauhan ng kaniyang partner na si Marco Gumabao.
Kahit na trabaho ang ginagawa nina Miles at Marco ay ramdam nila na tila naglalaro lang sila sa set dahil masayang kasama ang ibang casts. Kinumpirma ni Miles Ocampo na minsan ay hindi sila makapagsimula sa trabaho dahil madalas daw ay tawa lang sila nang tawa. Tinuturing ng dalaga ang kaniyang mga katrabaho bilang mga kapamilya at kasama na rito ang binatang si Marco Gumabao.
Wala rin daw inggitan na nangyayari sa kanilang mga cast dahil magkakapatid na ang turing nila sa isa’t-isa. Sinigurado naman ni Miles sa mga fans nila ni Marco na marami pa silang aabangang nakakakilig at magandang mga eksena. Ngayong season two ay masayang ibinahagi ni Miles Ocampo na gagawin nila ni Marco Gumabao ang lahat ng kanilang makakaya para pagbutihin pa ang kanilang trabaho.
0 comments:
Post a Comment