Mas madali ng makakuha ng pinakasariwang mga balita sa Kapamilya
Network ang mga mamamahayag, bloggers, at buong komunidad sa online sa
paglulunsad ng ABS-CBN Corporation ng ABS-CBN Social Media Newsroom,
ang pinakaunang social media newsroom ng isang TV network sa bansa.
Sa pamamagitan ng ABS-CBN Social Media Newsroom, lahat ng opisyal na
pahayag mula sa ABS-CBN ay matatagpuan sa isang website. Maari din
itong i-share agad sa ibang social networking sites tulad ng Twitter,
Facebook, at Goggle+ sa isang pindot lang.
"Ang ABS-CBN Social Media Newsroom ay magandang halimbawa ng
komunikasyon sa digital world. Sa pamamagitan nito, napapalapit ang
ABS-CBN sa mga stakeholders at katuwang nito sa loob at labas ng bansa
na nais malaman ang mga bagong balita sa aming programa at serbisyo,"
sabi ni ABS-CBN Corporate Communications Head Bong Osorio na dating
regional director ng International Association of Business
Communicators sa Asya.
Dagdag pa niya, ang paggawa ng social media newsroom ay lumalaking
trend o "uso" sa mga korporasyon, saan mang panig ng mundo, para
matugunan ang pangangailangan sa mabilisang impormasyon ng mga
mamamahayag, bloggers, at iba pang nasa mundo ng internet.
Nilalaman ng ABS-CBN Social Media Newsroom ang mga press o photo
releases tungkol sa ABS-CBN kabilang na ang mga subsidiary nito; video
plugs ng pinakabagong mga programa; kopya ng panayam sa mga Kapamilya
stars at executives; RSS feed features; at clippings tungkol sa
sinasabi ng media sa ABS-CBN.
Ayon kay ABS-CBN Corporate Affairs & PR director Kane Errol Choa, ang
digital communication ay nagbibigay daan para mas mapabuti ang palitan
ng impormasyon sa pagitan ng ABS-CBN at ng mga tumatangkilik nito.
"Ginawa naming user-friendly ang disenyo ng ABS-CBN Social Media
Newsroom at naglalagay ng press releases sa nakasulat at nakaayos ayon
sa gusto ng mga mamamahayag at blogger," dagdag niya.
Maglog-on lang sa www.abscbnpr.com para tignan ang pinakabagong mga
materyal hatid ng ABS-CBN Social Media Newsroom. Maari rin itong
mabasa via RSS feeds sa inyong smartphones. Mag-download lang ng RSS
reader applications tulad ng Google Reader, Taptu, at Flipboard sa
inyong iOS, Android, o Windows phones.
Maaring kunin o kopyahin ng mga manunulat at bloggers ang press
materials sa site at maari rin silang gumawa ng sarili nilang materyal
base dito o sa mga matatagpuang interview transcripts at audio o
video materials.
Ang ABS-CBN Public Relations Group, sa ilalim ng Corporate
Communications Division, ang maga-upload ng mga bagong materyal sa
site araw araw na diretsong iti-tweet ng @abscbnpr at mapa-publish
bilang wall post sa facebook.com/abscbnpr. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment