Hindi raw ito maaari ayon kay Cory dahil hindi lang naman daw TV5 talent si Arci dahil tinuturing itong star sa istasyon. Ang nasabing kontrata ng dalaga ay matatapos pa sa taong 2013. Ang Kapatid network naman ang hahawak ng coverage ng naturang patimpalak pero hindi ito magiging dahilan para payagan pa rin si Arci Muñoz na sumali dito. Nirerespeto naman daw ni Cory Quirino ang desisyon ng istasyon ng aktres dahil alam niya na propesyonal ang mga ito.
Paliwanag naman ni Cory, hindi alam ng management ni Arci na ito ay sumali sa beauty pageant. Kusang-loob daw kasing nagprisinta si Arci Muñoz sa pamunuan ng Miss World Philippines. Inamin naman daw ng dalaga na may kasalukuyan siyang kontrata bilang artista. Kinausap naman ni Cory Quirino hindi lang ang magulang ng dalaga kundi pati ang manager nito at napagdesisyunan nila na hindi pwedeng sumali ang aktres.
Mayroon namang pumalit na kandidata sa inalisang puwesto ni Arci Muñoz kung kaya kumpleto pa rin ang naging lineup ayon kay Cory Quirino. Mas naging mahigpit din daw ang mga opisyal pagdating sa pagpili ng mga dalagang kandidate kumpara noong nakaraang taon. Kinailangan daw kasing itaas nina Cory ang standards nila sa para mahigitan pa ang narating ni Gwendoline Ruais sa Miss World 2011. Sa susunod na taon ay maaaring paghandaan na rin ni Arci Muñoz ang kaniyang pagsali sa kumpetisyon at umaasa si Cory Quirino na wala na itong magiging problema.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment