Agad na itinanggi ni Camille Prats na may kinalaman sila sa hiwalayan ng kaniyang kapatid at nobya nitong si Bianca Manalo. Lumalabas ang mga espekulasyon na hindi raw sang-ayon ang pamilya ni John Prats sa pakikipagrelasyon nito sa beauty queen na ngayon ay isa nang aktres. Matatandaang noong nakaraang Miyerkules ay inamin ni Bianca na si John ang nakipaghiwalay sa kaniya matapos ang kanilang halos pitong buwang relasyon. Ayon kay Camille, naririnig niya na rin ang mga isyu patungkol sa kaniyang kapatid lalong-lalo na sa pagbansag sa kaniya bilang playboy at heartbreaker.
Dinepensahan naman ni Camille Prats ang kaniyang kuya John Prats at inaming nalulungkot ang kapatid sa sinapit ng kaniyang mga naging relasyon. Si Bianca Manalo ang huling babaeng naugnay sa binata na isa ring showbiz personality. Kuwento pa ni Camille, dumating na rin si John sa punto na gusto na nito lumagay sa tahimik pero tila malabo pa ito lalo na nang makipaghiwalay ito sa kaniyang huling nobyang si Bianca. Binibigyan naman daw ni Camille Prats ng advice ang kaniyang kuya na si John Prats patungkol sa love life nito. Aniya, kahit pa naghiwalay na sila ni Bianca Manalo ay hindi siya dapat malungkot dahil darating din sa tamang panahon ang babaeng para sa kaniya.Â
Aminado rin ang aktres na nasasaktan si John sa mga paratang ng ibang tao patungkol sa pagtrato niya sa mga nagiging nobya katulad ni Bianca. Nasabi rin ni Camille Prats na kapag nagkakaroon ng nobya ang kapatid na si John Prats ay tumatagal naman daw ito at sinisiguradong hindi ito nagloloko. Iba ang naging dating para sa iba nang aminin ni Bianca Manalo na ang dating nobyo ang nakipaghiwalay sa kaniya. Nasundan pa ito ng isyu na maaaring ipinalit ni John kay Bianca ay ang katrabaho niya sa kaniyang programang Banana Split.
Gusto daw ipakita ni Camille na handa siyang suportahan si John kapag ito ay may problema. Ayon kay Camille Prats, gusto niyang maging matatag si John Prats. Nang malaman niya umano ang pakikipaghiwalay ng kapatid kay Bianca Manalo ay kinakakusap niya parati ang aktor para raw hindi ito masyadong makaramdam ng lungkot. Naniniwala naman si Camille na malalampasan ni John ang kinahantungan ng relasyon nito sa dalagang si Bianca.
Ramdam ni Camille Prats na nalulungkot pareho sina Bianca Manalo at John Prats dahil hindi na sila magkasama. Hiling ng aktres na sana ay irespeto na lang ng mga tao ang naging desisyon ng dating magkasintahan. Pareho rin umanong public figure sina Bianca at John kaya ramdam ni Camille na hirap ang dalawa na itago ito sa sarili nila. Sigurado si Camille Prats na hindi naging madali para kay Bianca Manalo at John Prats ang paghihiwalay.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment