Pressured nang bahagya ang "Aryana" lead star na si Ella Cruz sa
mataas na expectation sa kanya ng publiko na maging mabuting role
model sa mga bataang fans ng kanyang show.
Kwento ng pinakabagong Kapamilya primetime princess, bagama't
kinakabahan, mas ganado siyang magpakitang gilas ngayon alang-alang sa
loyal followers ng "Aryana." Ani ni Ella, "Gusto ko po talagang maging
good example sa kanila. Kaya gagawin ko po ang best ko sa lahat ng
ginagawa ko para sa kanila," sabi ni Ella.
Ayon pa kay Ella na 4th year high school na ngayong pasukan, hangad
niyang maibahagi sa TV viewers ang pagpapahalaga niya sa pag-aaral.
"Sa tulong po ng show namin, sana ma-inspire silang magpursige para
pumasok araw-araw at gawin ang best nila sa school, mapa-academics man
or extra-curricular man, tulad ng swimming na sport ni Aryana sa
kwento," sabi niya.
Sa gitna ng kanyang kasikatan ngayon, alam ni Ella na hindi habambuhay
ang kanyang pagiging artista. Tulad ng ibang ka-edad niya, may dream
job din tween mermaid ng primetime, at ito ay ang 'lumipad.' Aniya,
"Pangarap ko pong maging flight attendant at makabiyahe sa iba't ibang
bahagi ng mundo."
Samantala, patuloy ring nagiging bukambibig at nagpapakilig sa viewers
ang mga namumuong love team sa pagitan ng dalawang pares ng teenagers
sa kwento--sina Aryana at Marlon (Paul Salas); at Megan (Michelle
Vito) at Hubert (Dom Roque). Magagawa pa ba ni Marlon na maagaw ang
atensyon ng bestfriend niya na si Aryana mula sa campus hearthtthrob
na si Hubert? Lalo bang mag-iinit ang dugo ni Megan sa half-sister
niya sa pagkakataong matuklasan niyang ang lalaking gusto niya ay
nahuhumaling kay Aryana?
Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng
ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol. Para sa karagdagang updates, mag-log on
lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment