Sa pagbabalik ni Carlene Aguilar sa pag-arte ay muling naungkat ang relasyon niya sa dating nobyo na si Dennis Trillo. Mayroong anak sina Carlene at Dennis kung kaya ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin napuputol ang pag-uugnay sa dalawa. Pinasinungalingan naman ni Carlene Aguilar na binabalak ng kaniyang asawa na ampunin si Calix Andreas na anak niya sa aktor na si Dennis Trillo. Hindi raw totoo na balak nilang palitan ang apelyido ng bata at ililipat sa kasalukuyang apelyido ng asawa ng dating Bb. Pilipinas-World. Â Alam ni Carlene na nagulat din si Dennis sa naturang balita na pag-aampon sa kaniyang anak.
Ayon kay Carlene Aguilar, gusto niya na siya ang kausapin ni Dennis Trillo kapag nagkakaroon ng mga isyu sa pagitan nilang dalawa.
Hindi naman nagkaproblema ang dating magkarelasyon dito dahil nagkausap agad sila nang maayos. Hindi itinanggi ni Carlene na malaki na ang ipinagbago nila ngayon ni Dennis lalo na pagdating sa kanilang anak. Nahihilig naman ngayon ang bata sa mga matatamis kung kaya sinabihan ni Carlene Aguilar si Dennis Trillo na huwag na munang bigyan ang kanilang anak ng mga matatamis na pagkain. Bukod dito ay gusto raw ni Carlene na kapag grounded ang bata sa kanilang tahanan ay ganun din daw sana kapag pumunta ito sa tahanan ni Dennis.
Aminado ang aktres na spoiled ang kaniyang anak pagdating sa dating nobyo. Kaya sinisigurado ni Carlene Aguilar na dinidisiplina niya ang bata para raw lumaki nang maayos. Kapag nagtatantrums ang kaniyang anak ay tanging kay Carlene lang daw ito nakikinig. Sa tuwing walang trabaho si Dennis Trillo ay hinihiram nito ang anak kay Carlene Aguilar. Iniiwasan na lang daw nilang dalawa na magkaroon pa ng usapan dahil maaaring hindi ito masunod na baka magresulta pa sa hindi maganda.
Wala naman daw problema si Carlene sa bagong karelasyon ni Dennis ngayon. Napapabalitang ang bagong nobya ngayon ni Dennis Trillo ay ang Kapuso actress na si Bianca King. Magkakilala naman daw ang dalawang dalaga at walang problema sa isa’t-isa. Minsan daw ay nagpapadala rin ng cookies si Bianca sa bata kung kaya natutuwa naman si Carlene sa pagiging sweet nito sa kaniyang anak. Wala raw problema sa kaniya kung mas nakikinig ang kaniyang anak sa nobya ni Dennis Trillo kesa sa ama nito. Ang mahalaga raw kay Carlene Aguilar ay nakikita niyang inaalagaan ang bata sa tuwing sila ay magkasama.
Nagtatanong din minsan si Calix patungkol sa kaniyang dalawang tinuturing na ama. Sa ngayon ay may Daddy Yo ito na asawa ni Carlene at Daddy Dennis. Sinasagot naman daw nito ni Carlene Aguilar dahil ayaw niyang magtanong pa ang bata sa ibang tao at makakuha pa raw ito ng maling sagot. Sa ngayon ay ipinapaliwanag na lang ng dalaga sa kaniyang anak ang sitwasyon nila ni Dennis Trillo na naaayon sa pagkakaintindi nito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment