Nagsalita na ang sexy actress na si Iwa Moto patungkol sa kasalukuyan nilang sitwasyon ni Jodi Santamaria. Matatandaang kinumpirma ni Iwa na ang kasalukuyang nagpapasaya sa kaniya ngayon ay ang asawa ni Jodi. Magkahiwalay ngayon sina Jodi Santamaria at asawang si Pampi Lacson. Matatandaang naugnay na noon sina Iwa Moto at Jodi Santamaria sa isa’t-isa nang maugnay ang Kapamilya actress sa huling naging nobyo ng Kapuso star.
Sa isang panayam ni Iwa ay inamin nito na dalawang taon na ang nakararaan nang may mamagitan sa kaniyang dating nobyo at kay Jodi.
Ikinuwento ni Iwa Moto na noong panahong inaayos nila ng dating nobyo ang kanilang relasyon ay naisip niya ang mga taong maaapektuhan lalong-lalo na ang anak ng binata at ang anak ni Jodi Santamaria. Matatandaang itinanggi ng dalawang sangkot sa isyu na sila ay may relasyon. Hayagang sinabi ni Iwa sa interview na si Jodi raw ang naging babae noon ng dati niyang nobyo. Pumasok din umano si Jodi Santamaria sa buhay nila habang inaayos ni Iwa Moto ang ng binata ang kanilang relasyon. Sa mga oras din daw na iyon ay kasal pa sina Jodi at Pampi.
Ang dahilan umano kung bakit tuluyan nang nagsalita si Iwa ay dahil pinapalabas sa istasyon ni Jodi na ang Kapuso star ang may dahilan ng hiwalyan ng mag-asawa. Kahit naman daw hindi sabihin nang diretso ay nababasa na ni Iwa Moto na ito raw ang gusto ipahiwatig ng naturang mga balita. Aminado si Iwa na nasaktan siya dahil marami raw ang nanghuhusga sa kaniya bilang isang kabit at maninira ng pamilya. Alam din daw ni Jodi kung ano ang katotohanan dahil siya raw ang nag-umpisa nito.
Nagkausap din daw ang dalawa noon para linawin sa isa’t-isa kung ano ang mga nangyayari. Nagresulta lang daw sa pagdedeny ni Jodi Santamaria ang patungkol sa kanila ng nobyo noon ni Iwa Moto. Hindi rin niya itinanggi na inayakan niya rin daw noon si Jodi dahil hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa ito sa kaniya ng idolo niya. Â Dismayado si Iwa dahil isa ang aktres sa kaniyang mga tinitingala sa industriya. Hindi niya raw kasi inakala na ang taong hinahangaan niya pa ang mananakit sa kaniya.
May mga pruweba rin daw si Iwa Moto na makakapagpatunay sa ginawa ni Jodi Santamaria sa kaniya. Pinili na lang daw itago ni Iwa ang mga ito para raw hindi na lumaki pa ang isyu. Malinis naman daw ang konsensya ng dalaga dahil dumating siya sa buhay ni Pampi ay hiwalay na ito sa naturang aktres. Pinili noon ng dalaga na manahimik dahil inakala niya raw na matatapos na ang naturang isyu patungkol sa kanila ni Jodi Santamaria. Ngayon ay nagsalita na si Iwa Moto dahil pati pamilya niya umano ay nadadamay na.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment