Lumilikha ngayon ng ingay ang teen star-turned-sexy actress na si
Bangs Garcia dahil sa palaban niyang karakter bilang si Mia sa
de-kalibreng 'OFW-serye' ng ABS-CBN na "Kung Ako'y Iiwan Mo."
Bukod sa patuloy na maiinit na love scenes sa pagitan nina Bangs at
Jake Cuenca, mainit na tinutukan kamakailan ng TV viewers ang eksena
kung saan nahuli na ni Sarah (Shaina Magdayao) ang nagtaksil na
asawang si Paul (Jake) na kasama sa iisang bahay ang ex-girlfriend na
si Mia. Sa katunayan, base sa datos ng Kantar Media, nagwagi ang
nasabing episode noong Hunyo 6 taglay ang 13.3% national TV ratings,
kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na "Kasalanan Bang
Ibigin Ka?" na mayroong 12.8%.
Taliwas sa inaakala ng lahat na susuko na siya matapos malantad ang
pagtataksil nila ni Paul, handa si Mia na ipagtanggol ang lalaking
mahal niya. Anong gagawin ni Mia upang tuluyang maagaw si Paul mula sa
asawang si Sarah? Paano tatapatan ni Sarah ang pagiging palaban ni
Mia? Mananaig pa kaya ang pag-ibig ni Paul sa asawa o tuluyan nang
mapapaibig kay Mia?
Huwag palampasin ang de-kalibreng kuwentong sumasalamin sa buhay ng
mga OFW saan man sa mundo, "Kung Ako'y Iiwan Mo" pagkatapos ng "Mundo
Man ay Magunaw" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang
updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa
Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment