Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ng tambalan ng binatang si Aljur Abrenica at aktres na si Kris Bernal sa pamamagitan ng bagong primetime series ng Kapuso network. Inaayos na raw ang mga detalye para makapagsimula na ng taping sina Aljur at Kris. Hindi naman daw makapaghintay si Aljur Abrenica na ibahagi ito sa kanilang mga tagahanga ni Kris Bernal pero natatakot daw siya na maudlot ito. Sinugardo pa rin naman niya na matutuloy pa rin ito tulad ng kanilang mga napag-usapan. Ito raw ay inaalaya nila para sa mga lahat ng taong nakamiss ng Al-Kris loveteam.
Noong taong 2011 ang huling naging proyekto nina Aljur at Kris sa seryeng Machete. Aminado naman ang binata na maninibago siya dahil iba na sila pareho ngayon ng dalaga pagdating sa trabaho. Madalas na magkasama noon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal kung kaya alam na nila ang nangyayari sa buhay ng isa’t-isa. Para na raw magkapatid ang turingan ng dalawa noon dahil madalas silang magkadikit. Ngayong lang ulit nagkaroon ng pagkakataon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal na magkasama matapos magkaroon ng magkahiwalay na proyekto.
Kinumpirma rin ng binata na marami na rin ang nanligaw kay Kris at hindi raw niya kilala ang ilan dito. Noon daw ay alam lahat ni Aljur ang mga lalakeng nauugnay sa kaniyang kaibigan. Bagamat marami na ang nangyari sa mga buhay nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ay sigurado naman daw ang binata na hindi sila mahihirapan sa kanilang muling pagsasama sa trabaho. Oras lamang daw ang kailangan ng dalawa para unti-unting maibalik ang dati nilang pinagsamahan.
Mas matured na Aljur at Kris na raw ang makikita ng publiko ngayon dahil sa kanilang mga karakter na gagampanan nilang dalawa. Mas mahirap na rin daw ngayon lalo na ang magiging karakter ni Kris Bernal. Naniniwala naman si Aljur Abrenica na kahit anong ibigay na trabaho sa dalaga ay makakaya nitong gawin at siguradong paninindigan ng aktres. Malaking pagsubok din umano ang bagong trabaho ni Aljur at Kris pero pinpigilan pa ng binata na ibulgar kung ano ito para masurpresa ang kanilang mga tagahanga.
Parehong nauugnay ngayon sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa iba’t-ibang mga artista. Kamakailan lang ay inamin ng dalagang si Kris na nagpaalam sa kaniyang manligaw ang binatang si Carl Guevarra. Samantalang si Aljur naman ay nauugnay sa singer na si Rachelle Ann Go. Gusto naman daw kilalanina ni Kris Bernal ang kaniyang manliligaw dahil ayaw nito magmadali pagdating sa isang relasyon. Â Ayon naman kay Aljur Abrenica, nabigyan lamang ng kulay ang samahan nila ng dalagang singer nang sila ay magkasama sa isang concert sa Amerika.
0 comments:
Post a Comment