Kakaumpisa pa lamang nina Angel Locsin at Dingdong Dantes sa kanilang pelikula pero naging maganda na raw ang takbo ng kanilang shooting. Makakasama ng dalawa sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Ruel Bayani na pinamagatang One More Try. Lahat ng cast ng pelikula ay nakaeksena na rin daw ni Angel kasama na rito sa Dingdong. Bagamat kakasimula pa lamang nila ay mabilis na rin daw ang tinatakbo ng shooting nina Angel Locsin at Dingdong Dantes. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal ang dalawa sa isang pelikula.
Noong nasa Kapuso network pa lamang si Angel ay may ginawa na silang pelikula ni Dingdong ngunit hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkasama sa set. Nagsilbing direktor noon si Dingdong Dantes sa pelikulang Angels noong 2007 ngunit hindi naging direktor ni Angel Locsin ang binata. Ang Angels ay isang trilogy movie na ang aktres mismo ang nag-produce. Sa isang episode nito ay tampok si Angel samantalang ang isang episode naman ay nagsilbing direktor si Dingdong. Ang napansin umano ng aktres sa Kapuso star ay hindi ito nagpapahalata na minomotivate na siya para sa kanilang mga ginagawang eksena. Sinisimulan siyang kausapin ng aktor at dito na raw magsisimula ang pagiging kumportable nila sa isa’t-isa.
Maalaga rin umanong leading man si Dingdong Dantes kaya walang nagiging problema si Angel Locsin sa pakikipagtrabaho sa aktor. Aminado naman si Angel na noong una ay medyo nangangapa pa sila ni Dingdong sa kanilang mga eksena. Pinaliwanag ng dalaga na kapag ipinaparamdam ng kaeksena na walang problema ay magiging maganda ang kinalabasan nito at walang magiging isyu sa pagitan nilang dalawa. Marami ang lumalabas na espekulasyon na ang pelikula nina Angel Locsin at Dingdong Dantes ay isang daring na pelikula. Hindi pa naman daw alam ni Angel kung ano ang gusto ng kanilang direktor ni Dingdong pero may ipagkakatiwala na lang daw niya ito sa kaniya.
Ayaw pa rin naman daw alamin ni Angel Locsin kung ano ang balak sa kanilang dalawa ni Dingdong Dnates ng kanilang direktor dahil kakasimula pa lamang nila sa paggawa nito. Wala namang naging problema sa network ni Dingdong ang kaniyang paggawa ng pelikula sa production company ng ABS-CBN dahil nagpaalam naman daw ang binata dito. Kahit pa karamihan ay Kapamilya stars ang makakasama ni Dingdong Dantes sa pelikula ay hindi ito nakaramdam ng ilang dahil mababait naman daw ang mga ito. Si Angel Locsin naman ay pumirma mulit ng kontrata bilagn isang Kapamilya. Aminado rin ang aktres na bago ang paggawa ng pelikula ay gusto raw niya munang lumabas muli sa teleserye.
0 comments:
Post a Comment