Kinumpirma mismo ni Toni Gonzaga na aabangan ng marami ang kanilang magiging kissing scene ng kaniyang kaibigang si Vice Ganda sa kanilang bagong pelikula. Si Toni ang magiging leading leady ni Vice sa bagong proyekto na kanilang bagong tambalan. Sa ngayon ay naghahanda na ang dalagang aktres sa kaniyang magiging role sa pamamagitan ng pagpapapayat katuld ng yoga at pag-attend ng dancing class. Pagbibiro pa ni Toni Gonzaga, kailangan niya raw maghanda dahil baka maging mas maganda pa sa kaniya si Vice Ganda sa pelikula.
Excited na rin si Toni Gonzaga dahil hindi isang hunk actor ang kaniyang magiging leading man sa Star Cinema movie kundi si Vice na kaniyang malapit na kaibigan. Magiging lalake rin si Vice Ganda sa naturang role kung kaya lalo pa umanong maeexcite ang mga tao rito. May working title na rin sila ngunit baka baguhin pa ito kaya hindi pa nila sinasabi sa publiko. Exciting para kay Toni kung paano gagawin ni Vice ang magpapakalalaki sa kaniyang karakter. Apat na araw na rin nag-shooting ang dalawa at walang sayang na oras dahil masaya silang lahat sa set.
Ang mga romantic scene umano nina Vice Ganda at Toni Gonzaga ay hindi makunan dahil walang tigil ang kanilang pagtawa. Â Last week kinunan ang kissing scene ng dalawa at pagbibiro pa ng host-actress maaaring ito ang dahilan kung bakit binagyo ang bansa dahil maaaring hindi matanggap ng tadhana ang mga nangyayari. Kakaiba rin daw ang pakiramdam ng kissing scene nina Vice at Toni kumpara sa mga nakasanayan noon ng dalaga sa mga gwapong aktor na nakasama niya. Mayroon ding intimate scene sina Toni Gonzaga at Vice Ganda na dapat abangan ng kanilang mga tagahanga.
Bago para sa marami ang tambalan nina Toni at Vice na hindi madalas makita ng mga tao sa mga pelikula. Aminado si Toni Gonzaga na nararamdaman niya rin ang pagiging lalake ni Vice at nagugustuhan niya naman daw ito. Masarap raw kausap at makasama si Vice Ganda kung kaya ito ang kaniyang nagusuthan sa kaibigan. Minsan iniisip na lang ni Toni Gonzaga na hindi pala tunay nalalake si Vice Ganda dahil kahit papaano ay kilos babae pa rin ito.
0 comments:
Post a Comment