Sa pagbabati nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro ay napatunayan ng dalawa na namukudtangi pa rin ang kanilang pagmamahalan bilang magkaibigan. Noong July 13 ay nasaksihan ng marami ang pagbabati nina Gretchen at Nadia sa mismong burol ng Comedy King sa Heritage Memorial Park. Paliwanag ni Gretchen Barretto, ang mas mahalaga sa kanila ngayon ay ang kapayapaan dahil alam niyang nakapag-move on na sila pareho ni Nadia Montenegro. Aniya, masyado nang matagal ang naging iringan nila noon ng kaibigan kung kaya hindi na siya nabigla nang mangyari ito sa kanila ng kaibigan. Nagamot na rin daw ang mga sugat noon ni Gretchen mula sa kanilang hindi pagkakaintindihan ni Nadia kung kaya gusto niya na itong kalimutan.
Pinasalamatan naman ni Nadia Montenegro si Dolphy dahil pakiramdam niya ay siya pa rin ang nagbahagi ng pagmamahal at pagkakaisa sa mga tao. Ipinahayag niya rin na nagpapasalamat siya at muli niyang nayakap ang kaibigang si Gretchen Barretto matapos ang mahabang panahon. Halos tatlong taon ang itinagal ng iringan nina Gretchen at Nadia pero tila kinalimutan na nila ito nang sila ay magyakapan nang matagal sa burol. Ito na raw marahil ang simula ng pagbabalik ng magandang samahan nina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro hindi lamang sa harap ng kamera kundi sa totoong buhay.
Una umanong nagkatinginan ang magkaibigan sa Heritage Park at nag ngitian pa sa isa’t-isa. Nang pumasok na sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa hallway ay dito na nasaksihan ng marami ang kanilang pagyayakapan. Ramdam naman daw ng dating aktres na si Nadia ang sensiridad ng kaibigan sa kanilang muling pagbabati. Noong 2008 ay matatandaang napabalitang may pinagkakalat umanong balita si Nadia Montenegro patungkol sa kaibigang si Gretchen Barretto kung kaya naapektuhan ang kanilang samahan bilang magkaibigan. Naging sentro noon ng balita ang awayan ng dating magkaibigan dahil matagal na silang magkakilala. Unang nagkasama sina Gretchen at Nadia noon sila ay nasa grade-school pa lamang sa  Collegio de San Agustin sa Dasmariñas Village sa Makati.
Noong 1984 ay ipinakilala sa publiko sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro sa pamamagitan ng pelikulang 14 Going Steady ng Regal Films. Sa ngayon ay hindi na aktibo si Nadia sa mga pelikula ngunit sinundan naman ng kaniyang mga anak ang kaniyang yapak sa showbiz. Partner ng dating aktres ang dating pulitiko na si Boy Asistio at isang full-time mother sa kaniyang walaong anak na sina Alyssa, Alynna (Ina), Alyana, Anykka, Alexander, Sam, Arysha, and Sophia. Samantalang si Gretchen Barretto naman ay nagbabalik showbiz sa isang teleserye star at bilang isang endorser.
0 comments:
Post a Comment