Unang pagkakataon na gumawa ni Anne Curtis ng isang indie film at ito ay ang Blood Ransom na ginawa niya pa sa California. Isang buwan na ang nakakaraan nang umalis ng bansa si Anne para gawin ang pelikula at hindi pa rin umano siya makapaniwala na nabigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng isang indie film sa isang internatinal scene. Marami rin umanong natutunan si Anne Curtis nang gawin nito ang proyektong Blood Ransom. Aniya, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa pagdating sa kaniyang pag-arte. Nagustuhan niya raw na hinayaan lamang sila ng direktor nila na gawin kung ano ang gusto nila pagdating sa kanilang pagpapahayag ng emosyon. Kinailangan umanong alamin nina Anne kasama ang ibang aktor ang kanilang mga eksena at nais ng direktor ng Blood Ransom.
Maganda rin ang pakiramdam na pinalilibutan siya ng mga aktor na inspirado umarte kung kaya nagiging maganda ang samahan nila sa pelikula. Ang Blood Ransom ay isang crime thriller film sa ilalim ng direksyon ni Francis dela Torre. Ang pelikula ay umiikot sa kwento ng kidnapping na nauwi sa isang hindi sinasadyang pagmamahalan sa pagitan ng karakter ng aktor na si Alexander Doetsch at Anne Curtis. Bagamat nag-iisang Pinoy sa mga cast ay agad namang nagkaroon ng koneksyon ang dalagang si Anne sa kaniyang mga kasamahan sa Blood Ransom.
Kakaibang karanasan daw ang ito para kay Anne Curtis dahil sa magagaling niyang mga kasamahan kasama na ang direktor, cinematographer at maging ang kanilang producer. Naging mabuti rin umano ang pkikitungo ni Anne sa ibang kapwa aktor at natutuwa siya dahil halos lahat sila ay nagsisimula lang din sa industriya ng indie film. Nasa post-production pa rin umano ang Blood Ransom at marami na sa mga supporters ni Anne Curtis ang hindi na makapaghintay sa paglabas nito sa susunod na taon. Marami na ring teaser photos ang lumalabas sa Internet na nakakatanggap naman ng magandang reaksyon mula sa marami.
Umaasa si Anne na makasama ang Blood Ransom sa mga international film festivals para mas makakuha ng malawak na audience. Excited na rin si Anne Curtis sa magiging resulta ng kaniyang pinaghirapang pelikula sa ibang bansa. Ibang mundo rin daw ito para sa dalagang aktres dahil nakasama niya ang kakaibang team na sobrang saya. Kinikilig umano si Anne sa karanasang ibinigay sa kaniya. Hindi tulad sa Pilipinas ay medyo matatagalan pa ang pagpapalabas ng proyekto ni Anne Curtis pero wala naman daw problema ang dalaga rito dahil naroon ang elemento ng surpresa sa mga taong nag-aabang dito.
0 comments:
Post a Comment