Muling nagbabalik ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa kaniyang dating trabaho sa showbiz matapos nitong manganak sa kanilang panganay ng asawang si Ogie Alcasid. Noong Linggo ay nagbalik na sa musical variety show na Party Pilipinas si Regine na ikinatuwa ng kaniyang mga tagahanga. Ikinatuwa naman ni Ogie ang pagbabalik telebisyon ng asawa dahil matagal na rin daw nitong hinihintay ang pagkakataong ito. Mapapanood din si Regine Velasquez sa magazine talk show na H.O.T. TV o (Hindi Ordinaryong Tsismis) na ipapalita sa timeslot ng Showbiz Central.
Sa bagong talk show ni Regine Velasquez ay hindi niya na umano kailangang kumanta dahil magbibigay lamang siya ng komento at ng mga showbiz balita. Nakaramdam din naman daw ng takot ang singer ngunit nagtanong naman daw muna ito sa asawang si Ogie Alcasid bago niya pa tanggapin ang trabaho. Ayon daw kay Ogie, bilang marami naman daw siyang sinasabi at mayroong pagka-tsismosa ay tanggapin na ang trabahong tiyak na mag-eenjoy siya. Kaya rin daw sila naging malapit noon ni Ogie Alcasid dahil madalas nitong tanungin noon sa kaniya kung ano ang mga chismis.
Natatawa ring sinabi ni Regine na babaklain niya ang pagbibigay ng opinyon bilang isa rin naman daw siyang bakla. Alam naman daw nila ni Ogie na medyo sensitibo minsan ang kanilang trabaho lalo na at kapag nagbibigay ng personal na opinyon patungkol sa mga isyu. Para kay Regine Velasquez, nasa parehong industriya lang din naman daw sila ni Ogie Alcasid katulad ng ibang artista kung kaya alam niya kung ang naturang isyu ay alanganin o hindi. Sasagutin lamang daw ito ni Regine kung pakiramdam niya ay nasa tamang sitwasyon.
Kung magkakaroon naman daw sila ng isyu patungkol sa kanila ni Ogie Alcasid ay depende pa rin daw ito sa sitwasyon na kinalalagyan namin. Naniniwala si Regine Velasquez na igagalang naman daw ng kaniyang programa kung sakaling naisin niyang huwag munang pag-usapan. Kung ano man daw ang problemang harapin nina Regine at Ogie ay mas gusto nilang solohin na lamang ito dahil hindi na raw ito kailangang isali pa sa isyu ng buong mundo. Ang asawang si Ogie Alcasid umano ang nagkumbinsi kay Regine Velasquez na pumasok sa isang talk show dahil tiwala naman daw ito sa kaniyang misis na may limitasyon pa rin ito pagdating sa pagbibigay ng komento.
0 comments:
Post a Comment