Sa isang panayam ni Ara Mina matapos niyang mapabalitaan ang naging public apology ni Cristine Reyes ay nabanggit niyang hindi siya kumbinsido sa ginawa ng kapatid. Matatandaang kasalukuyang nasa korte ang isinampang kasong libel at grave coercion ni Ara laban sa dalagang aktres na si Cristine. Para kay Ara Mina, hindi niya naramdaman na seryoso si Cristine Reyes sa kaniyang paghingi ng tawad sa telebisyon. Ikinuwento naman ng dating sexy actress kung kailan nagsimula ang alitan sa pagitan nila ng kaniyang kapatid.
Aniya, nagsimula umano ito noong Holy Week at wala pa raw nakakaalam maging ang mga media. Nagsimula ang misunderstanding nina Ara at Cristine dahil may naririnig umano ang una na mga hindi magandang sinasabi ang kapatid laban sa kaniya.
Hiniling daw ni Ara Mina kay Cristine Reyes na mag-usap sila nang magkaliwanagan umano sila. Dito na rin daw nagkaroon ng hindi magandang reaksyon si Cristine. Aminado naman ang dating aktres na hindi niya kinompronta nang personal ang nakakabatang kapatid ng mga oras na iyon. Sanay na raw kasi siyang kapag mainit ang ulo ni Cristine Reyes at dumidistansya muna siya dito. Â Matapos nito ay hindi na raw kinulit ni Ara Mina na makipag-usap pa patungkol sa kaniyang naririnig. Inamin din niya na kulang nga sila sa komunikasyon ng kapatid dahil hindi sila ganun kalapit sa isa’t-isa.
Naikuwento rin ni Ara Mina na siya ang nagpaaral kay Cristine Reyes simula ng kinder pa ito. Ang aktres pa umano noon ang gumastos para sa kaniyang sariling pag-aaral at maging sa kaniyang debut party. Masaya naman daw si Ara sa kaniyang ginagawang pagtulong sa kaniyang pamilya at hindi niya naman daw ito isinusumbat sa kanila. Aminado si Ara Mina na mapagbigay daw talaga siyang tao lalo na at pagdating sa kaniyang mga mahal sa buhay. Hindi niya rin itinanggi na sobra siyang nasaktan nang mabasa niya ang mga ipinadalang mensahe sa kaniya ni Cristine Reyes.
Madalas umanong dinedepensahan ni Ara ang kapatid na si Cristine noon kahit hindi niya pa alam ang istorya. Hindi na raw kinaya ni Ara Mina nang malaman niyang nakatanggap din ng parehong hindi magandang mensahe ang iba niyang kakilala. Para sa dating aktres, ang pinakamasakit umano para sa kaniya ay ang husgahan siya ng sarili niya pa umanong kapatid. Hindi niya raw masikmura ang mga pinagsasabi sa kaniya ng kapatid na si Cristine Reyes dahil hindi raw kailangang sabihin sa kaniya iyon. Kilalang-kilala naman daw ni Ara Mina ang kaniyang kapatid kung kaya alam niya kung sincere ang kapatid o hindi. Bagamat nasaktan ay handa pa rin daw siyang makipag-ayos sa kapatid pero ang nais niya ay maramdaman ang totoong paghingi ng tawad ng kaniya.
0 comments:
Post a Comment