Inamin na pareho nina Rhian Ramos at KC Montero na nasa estado ng pagiging exclusively dating ang kanilang relasyon ngayon. Marami na ang nakakapansin sa espesyal na samahan ng dalawa dahil hindi naman nila itinatanggi sa publiko ang kanilang madalas na paglabas at pag-usap sa Twitter. Sa isang panayam kay Rhian ay inamin niya na si KC lamang ang lalakeng dinidate niya sa kasalukuyan.
Nagulat din daw si KC Montero nang makita niya ang interview ni Rhian Ramos patungkol sa pagkumpirma niya na madalas silang magka-date ng binatang host at DJ. Inamin naman ni KC na kahit nagulat siya ay masaya siya dahil sa ginawang pag-amin ni Rhian sa kanilang relasyon.
Hindi na rin daw nakakaligtas sina Rhian at KC sa mga kantiyaw ng kanilang mga kasama sa Party Pilipinas. Kitang-kita daw ang sweetness ng dalawa sa kanilang mga production number sa programa. Matagal na rin na magkaibigan sina Rhian Ramos at KC Montero kay hindi na umano naging mahirap para sa dalawa na magkamabutihan. Inamin din ni KC na matindi ang nararamdaman niya para sa dalaga at naging masaya naman si Rhian sa naging pahayag ng binata.
Flattered naman ang Kapuso star na si Rhian Ramos dahil magaganda naman umano ang mga sinasabi ni KC Montero patungkol sa kaniya. Sa ngayon ay hindi naman daw nagmamadali ang dalawa na magkaroon ng seryosong relasyon. Para kay KC, walang rason para madaliin ang maganda nilang pagsasama ni Rhian. Para naman daw nasa cloud 9 ang binata dahil sa kasiyahang kaniyang nadarama. Marami na rin ang nakakapansin na tila masayang-masaya si KC Montero ngayong mga nakalipas na araw.
Ngayon ay napapansin ng marami na bukas na rin si Rhian Ramos patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig. Para sa dalaga, wala rin naman daw dahilan para magtago. Sa ngayon ay ine-enjoy na lang ng dalawa ng oras na magkasama sila. Ang isa pang ikinatutuwa ni Rhian ay ang masayang pagtanggap ng dating asawa ni KC sa kanilang sitwasyon. Si Geneva Cruz pa raw mismo ang nagsabing gusto nitong maging masaya ang dating karelasyon sa piling ng dalagang aktres. Hangad naman ni Rhian Ramos na magtuloy-tuloy na ang kasiyahang nararamdaman nila ni KC Montero.
Nagbigay naman ng mensahe si Rhian sa binatang kasalukuyan umanong nagpapasaya sa kaniya. Aniya, kahit ano pa raw ang mangyari at kung sakaling nalulungkot siya ay nasa tabi lang daw siya ni KC para sumporta at magbigay saya. Maging si KC Montero ay nagbigay din ng mensahe para sa dalaga. Nais daw ng binatang DJ na maging masaya ang aktres at umaasa siyang ipagpatuloy pa rin ni Rhian Ramos ang pagpapasaya sa kaniya.
0 comments:
Post a Comment