Nagpasalamat si Kim Chiu nang malaman na handpicked siya mismo ni Batangas Governor Vilma Santos para makasama sa pelikula na The Healing. Ngayong darating na July 25 ay inaasahang lalabas sa sinehan ang bagong proyektong pinagsamahan nina Kim at Vilma. Isang karangalan umano para sa dalagang aktres ang makasama ang isang beteranang aktres sa isang pelikula. Kuwento ni Kim Chiu, madali silang napalapit sa isa’t-isa ni Vilma Santos dahil na raw sa pagiging mabait ng Star For All Seasons. Naging madali umano ang pakikipagtrabaho ng dalaga sa Gobernador dahil sa pagiging approachable at down to earth nito. Pakiramdam umano ni Kim ay kahit sino pwedeng kumausap kay Vilma. Aniya, sa sobrang pagiging pleasant ng kaniyang idolo ay parang hindi nito kayang gumawa ng kasalanan.
Minsan nga raw ay nahihiya na lang si Kim Chiu dahil sa sobrang kabaitan na ipinapakita sa kaniya ni Vilma Santos. Madalas din daw yayain ni Vilma sa kaniyang dressing room si Kim para sila ay makapag-usap pero nakakaramdam din daw ng hiya ang young actress. Sinisikap naman daw ni Kim Chiu na paghusayan pa ang kaniyang ginagawang trabaho dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya na umarte sa harap ng kamera kasama ang mga beteranong mga aktor at aktres.
Dahil daw sa karangalan kay Kim na makatrabaho ang ilan sa magagaling na artista, sinisikap naman niya na paghusayan ang kanyang trabaho tuwing nagsu-shooting. Sobrang professional din daw ang paligid ni Kim Chiu lalo na sa set ng pelikula nila ni Vilma Santos. Pag dumadating din daw sa set ang dalagang si Kim ay kailangang kabisado niya na ang kaniyang linya dahil bigatin ang buong team ng pelikula nila ni Governor Vilma. Aniya, ayaw niya naman daw mapahiya sa mga tao sa paligid niya dahil gusto niyang patunayan na karapat-dapat siya sa naturang role.
Malaki rin ang naging pasasalamat ni Kim Chiu kay Vilma Santos dahil sa pagtulong nito sa dalaga sa pag-motivate tuwing magkakaroon sila ng mahirap na eksena. Ikinuwento ni Kim na nagkaroon siya ng eksena kung saan kinakailangan niyang hawakan si Vilma kung kaya nakaramdam siya ng takot at hiya. Ayon naman kay Vilma Santos, huwag daw sayangin ni Kim Chiu ang mga binibigay na eksena sa kaniya dahil minsan lamang daw ito mangyari. Ito raw ang ginagawa ng beteranang aktres para lalo pang ibigay ni Kim ang kaniyang makakaya. Aminado si Kim Chiu na kahit ayaw niyang isipin na isang Vilma Santos ang kaniyang kaeksena ay hindi niya pa rin maiwasang isipin na isang bigating artista ang kasama niya.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment