Ngayong nagbabalik-showbiz si Denise Laurel ay makakapareha niya ang binatang si Martin del Rosario at magkakaroon pa sila ng kissing scene ng aktor. Ito ang unang pagkakataon ni Martin na magkaroon ng kissing at love scene sa teleserye kung kaya pakiramdam ni Denise ay siya may malaki siyang responsibilidad para gawing kumportable ang binata sa kanilang mga eksena. Bago pa manganak ay madalas nang umaarte si Denise Laurel sa Precious Hearts Romance kung kaya sanay na umano siya sa mga tao rito na itinuring niyang pamilya.
Natatawa naman si Denise sa kasalukuyan nilang sitwasyon ni Martin dahil siya ang babae at siya pa ang may responsibilidad na mag-alaga sa kaniyang leading man. Sigurado naman daw ang aktres na si Denise Laurel na magiging gentleman sa kaniya si Martin del Rosario dahil isa umano ito sa mga magagaling na aktor sa industriya. Hindi itnanggi ni Denise na kinakabahan ito dahil siya ang magiging kapareha ng binatang si Martin sa kaniyang kauna-unahang first kissing scene. Naalala rin daw noon ni Denise Laurel nang siya pa ang inaalalayan ng kaniyang mga naging dating leading man sa kaniyang mga sensitibong eksena. Binalikan ng aktres ang mga panahong siya ang inaalagaan sa set at inaalalayan ng kaniyang mga partner.
Masaya naman ang pakiramdam ni Denise Laurel dahil bagong karanasan umano ito para sa kaniya at alam niyang magiging exciting ito para sa kanila pareho ng aktor. Hindi pa rin naman mawawala kay Denise ang kabang nararamdaman lalo na at may responsibilidad na siya sa kaniyang bagong serye. Malaki umano ang kaniyang gagampanan sa pagkakaroon ng unang kissing scene ni Martin del Rosario kung kaya ayaw niya itong makaramdam ng takot na maaaring makaapekto sa kaniyang pag-arte. Nag-aalala naman si Denise Laurel dahil tila batang-bata para sa kaniya ang binatang aktor. Bagamat pakiramdam niya na tila matanda na siya ay iniisip na lamang daw ng aktres na nakakabata ang pakiramdam ng kaniyang serye.
Aminado si Denise na bukod sa takot na maaaring hindi niya matugunan nang maayos ang responsibilidad niya bilang leading lady kay Martin ay natatakot din siya na baka hindi na siya tanggapin ng tao sa kaniyang muling pagbabalik. Inspirasyon din daw ngayon ni Denise Laurel ay ang anak niyang babae. Pinagbubutihan niya ang kaniyang trabaho para sa kinabukasan ng kaniyang pinakamamahal na anak. Itinanggi rin ng aktres na gusto niya nang pumasok sa isang relasyon matapos ng kaniyang pinagdaanan. Sapat na raw sa kaniya na magtrabaho para sa anak at maging mahusay sa pagganap sa bago nilang teleserye ni Martin del Rosario.Â
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment