Malakas ang usap-usapan na huminto na ang binatang aktor na si Gerald Anderson sa panliligaw nito kay Sarah Geronimo. Nahuli di umano sina Gerald at Sarah ng Mommy Divine ng singer na may lihim nang relasyon. Itinanggi naman ito agad ni Gerald Anderson dahil hindi naman daw siya kinausap ng ina ni Sarah Geronimo patungkol sa isyu. Mas focus pa rin naman daw ang binata sa kanilang friendship ni Sarah. Kinumpirma rin ni Gerald na hindi niya pa nobya ang pop star.
Nilinaw din ni Gerald Anderson na masyadong abala si Sarah Geronimo ngayon kaya hindi niya ito nabibisita. Ngayong buwan ay inaasahan na ang dalawang magkasunod na concert ni Sarah bilang parte ng kaniyang birthday celebration. Ayaw naman umanong istorbohin pa ni Gerald ito dahil sa sobrang dami nitong ginagawa. Suporta lang umano ang maibibigay niya sa dalaga ngayon. Kung ano man daw ang tulong at suporta ang maibibigay niya ay gagawin nito para lang mainspire niya si Sarah Geronimo.
Umaasa naman si Gerald Anderson na nakita na ng pamilya ng singer na malinis ang kaniyang intensyon sa dalaga. Nililigawan niyo raw ito dahil gusto niya si Sarah at hindi para sa mga fans at hindi para sa mga taong sa paligid niya kundi para sa sarili ng binata. Ipinagtanggol din ni Gerald ang kilalang istriktong ina ni Popstar Princess. Aniya, kailangan umanong intindihin si Mommy Divine dahil baby talaga ang turing nito sa kaniyang anak. Kailangan din daw respetuhin ang pagmamahal at suporta na ibinibigay ng mga magulang ni Sarah Geronimo sa kaniya.
Sa ngayon ay kuntento na raw si Gerald sa kanilang pagkakaibigan ni Sarah. Proud na proud din niyang sinabi na good influence sa kaniya ang dalaga. Marami na umano itong itinuro sa kaniyang mga bagay-bagay na kailangan niya pa umanong marealize. Dati rati ay sinasabi umano ni Gerald Anderson sa telebisyon na kulang na lang sa kaniya ay isang girlfriend pero sinabi sa kaniya ni Sarah Geronimo na makuntento na lang muna kung ano ang mayroon siya ngayon. Ayon kay Sarah, kailangan muna umanong maging masaya si Gerald para lalo niyang makilala ang sarili niya. Sa panliligaw umano ni Gerald Anderson kay Sarah Geronimo ay marami na siyang natutunan hindi lang sa dalaga kundi pati sa kaniyang sarili.
Gusto lang din daw patunayan ni Gerald kung gaano niya kamahal si Sarah dahil ayaw niya itong mawala bilang kaniyang pinakamahalagang kaibigan. Maging sa magulang ni Sarah Geronimo ay malaki ang respeto ni Gerald Anderson kung kaya naghihintay siya sa araw na pareho na silang matured ng dalaga para pumasok sa isang relasyon. Aminado naman ang binata na marami pa siyang kailangang patunayan. Sa ngayon ay pinahahalagan na lang muna ni Gerald ang kanilang pagkakaibigan ni Sarah. Hindi rin daw hahayaan ni Gerald Anderson na masira ang kanilang magandang samahan ni Sarah Geronimo dahil lang sa kaniyang panliligaw niya.
0 comments:
Post a Comment