Aminado ang dalagang si Kathryn Bernardo na kakaiba talaga ang dating sa kaniya ni Daniel Padilla kumpara sa ibang mga binatang kakilala niya. Ikinuwento ni Kathryn kung saan sila unang nagkakilala ni Daniel at kung paano sila naging malapit sa isa’t-isa. Nagkataon na parehong naging guest noon si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa It’s Showtime at sa mga panahong iyon ay hind pa sila magkakilala.
Naging malapit naman ang dalawa nang ginawa nila ang teen-oriented show na Growing Up kung saan unang nabuo ang kanilang love team. Nawala na rin ang ilangan sa pagitan nina Kathryn at Daniel nang magsama sila sa programa at nagkakilala nang lubusan.
Nagpapasalamat ang dalaga sa kanilang huling programang ginawa ni Daniel Padilla dahil ito umano ang naging dahilan para mabuo ang espesyal nilang pagkakaibigan. Inamin ni Kathryn Bernardo na mayabang ang naging unang impresyon niya sa binatang aktor. Pero kapag nakilala na raw ng mga tao ang totoong Daniel ay makikita nila ang kabaitan nito. Maging sa pagtrato ng binata sa kaniyang mga kapatid ay higit na hinangaan ni Kathryn. Kapag magkasama rin daw silang dalawa ay madalas na iparamdam ng leading man sa kaniya ang pag-aalaga nito.
Hindi itinanggi ni Kathryn Bernardo na hindi madali para sa kaniya ang magtiwala agad sa isang tao ngunit pagdating kay Daniel Padilla ay buong-buo umano ang kaniyang tiwala rito. Pakiramdam niya ay ligtas na ligtas ang kaniyang mga sikretong sinasabi sa binata. Kumbinsido na rin daw si Kathryn sa sensiridad na ipinapakita sa kaniya ni Daniel at maging sa ibang tao. Ramdaman na ramadam ni Kathryn Bernardo ang pag-aalaga sa kaniya ni Daniel Padilla sa tuwing sila ay magkasama.
Kilala ang binatang aktor sa pagiging bukas nito sa nararamdaman niyang paghanga sa aktres. Maging sa mga panayam kay Daniel ay walang takot nitong sinasabi kung gaano niya kamahal ang dalagang si Kathryn kahit pa marami ang nagdududa sa kaniyang intensyon. Maging kay Kathryn Bernardo ay hindi itinatago ni Daniel Padilla ang kaniyang tunay na nararamdaman kung kaya kitang-kita ng dalaga kung gaano kasespesyal ang turing sa kaniya ng leading man.
Isa sa mga hindi makakalimutan ni Kathryn ay nang supresahin siya noon ni Daniel sa Gandang Gabi Vice kung saan inalayan pa siya ng awitin ng binata. Dito rin nadiskubre na may magandang boses ang binata na nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na magkaroon ng album. Kinilig din daw si Kathryn Bernardo nang bigyan siya ng dalawang aso ni Daniel Padilla bilang regalo. Hindi naman maipaliwanag ng dalagang si Kathryn kung ano ang mayroon kay Daniel dahil malakas daw talaga umano ang dating nito. Kinumpirma naman ni Kathryn Bernardo na may pag-asa si Daniel Padilla sa panliligaw kapag dumating na ang tamang edad nila para rito.
0 comments:
Post a Comment