'24/7' in-love na ang moviegoers saanmang sulok ng bansa dahil sa nag-uumpaw na pag-ibig na hatid ng patok sa takilyang star-studded movie event ng Star Cinema at 20th anniversary offering ng Star Magic na "24/7 In Love."
Hindi magkamayaw ang fans sa mga sinehan sa sunod-sunod na pitong unique love stories na pinagbibidahan ng 15 sa pinakasikat na Kapamilya stars ngayon na sina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Zanjoe Marudo, Bea Alonzo, Sam Milby, Pokwang, Diether Ocampo, Maja Salvador, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Gerald Anderson, Angelica Panganiban, at John Lloyd Cruz
Sa kakaibang dating ng pelikulang graded B ng Cinema Evaluation Board, halos lahat ng mga nakanood na ay hindi mapigilang ulit-ulitin ang obra ng apat sa pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John-D Lazatin, at Frasco Mortiz.
Nakakapangiti, nakakaiyak, nakakikilig, nakaka-inspire, nakakapahalakhak, at nakakain-love. Iba't iba man ang emosyon, lahat ng mga nakanood—mapabata o young-at-heart man—ay naka-relate sa kwentong tumalakay sa magkakaibang uri ng pagmamahal.
Ani nga ng isang manonood, "Lahat ng love teams may iba't ibang kilig na hatid. Interesting kung paano napag-inntertwine ang kwento nilang lahat. Nagpapaluan na kami sa sobrang kilig. Walang tigil po yung sigawan namin!"
Bahagi rin ng "24/7 In Love" ang iba pang Star Magic artists na sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Helga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo, at Ian Rusell.
Huwag nang magpahuli sa kwentuhan, manood na ng star-studded celebrity movie ng taon, "24/7 in Love," na palabas na ngayon sa cinemas nationwide.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "24/7 in Love," mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/, http://facebook.com/StarCinema athttp://twitter.com/StarCinema.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment