Sobra din ang pasasalamat nina Miles sa mga patuloy na sumusubaybay sa kanilang program.“Sa lahat ng sumusubaybay sa LUV U maraming, maraming salamat po sa inyo kasi kung hinid rin po dahil sa inyo wala rin po tongaward na ito, papangako po namin na mas lalo po namin pagagandahin yung show. At nasa 4th season na po kasi dahil sa inyo maraming, maraming salamat po.”
Ngunit aminado rin naman sila na mas may dagdag pressure hindi lang dahil sa pagkakapanalo ng award kung di dahil sila ang pinantatapat ng Kapamilya network sa mga youth oriented shows sa kabilang istasyon at sa ilang mga teen stars sa kabilang bakod na may sarili ding mga fan bases na hindi naman itinatago nina Miles. “Ngayon po na nabalitaan namin na may dalawang magbubukas sa dalawang network nakakakaba po siyempre kasi parang bagong pagsubok nanaman sa programa pero tinatake po namin yan as a challenge para sa aming lahat para mas lalo naming pag-igihan at pagbutihan yung trabaho namin.”
Pero mas puno pa rin ng pasasalamat ang cast ng LUV U hindi lang dahil sa pagkilala sa kanila ng Star Awards kung di dahil sa mga sumusuporta sa kanila bilang mga artista at mga patuloy na sumusuporta sa kanilang programa, “Sobrang nakakaoverwhelm kasi kayo yung pinangtatapat na show tapos lahat ng youth ngayon sa Pilipinas tinitingala kami kaya sobrang thankful kami. Basta sobrangthankful kami sa mga fans talaga.”
Kahit na aminadong may bagong pagsubok muli na kakaharapin ang kanilang programa, positibo ang pagtingin ni Igi dito. Aniya, “Actually po siyempre may kalaban po ulit kami, babalik po ulit yungteen-oriented (shows) so ngayon po bago ulit na show tapos dalawa pa kaya mas doble pressurepero way din namin yun na kaya namin ito at di kami susuko, parang isa rin po yung way in saying na ‘kaya niyo pa ito, kayang-kaya niyo pa ito.’” By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment