Kinilala ang “Bottomline” bilang Students’ Choice of Public Affairs–Talk Show Program sa USTv Awards at Best Development-Oriented Talk Show sa Gandingan. Pinarangalan rin ang host ng programang si Boy Abunda sa Gandingan bilang Best Development-Oriented Talk Show Host.
Ang USTv Awards ay taunang parangal ng University of Sto. Tomas (UST) na kumikilala sa kagalingan ng mga programa at personalidad na nagtataguyod ng Thomasian values at mga turo ng Katoliko. Samantala, ang Gandingan Awards naman ay ang awards program ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na nagbibigay din ng parangal sa mga programa at personalidad na nagtataguyod naman ng mga isyu para sa kaunlaran.
Ang tatlong parangal ay dagdag patunay lamang sa kalidad at kagalingan ng nasabing programa ng Asia's King of Talk. Matatandaang kinilala rin ang “Bottomline” bilang Best Talk Show for 2011 sa prestiyosong 16th Asian TV Awards kung saan tinalo nito ang anim na palabas ng ibang bansa sa Asya kabilang ang CNN Hong Kong at New Delhi TV ng India.
Huwag palampasin ang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa “The Bottomline with Boy Abunda” tuwing Sabado ng gabi, 11:30pm, pagkatapos ng “Banana Split” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment