Huling dalawang linggo na ng top-rating Primetime Bida teleseryeng pinagbibidahan nina Erich Gonzales at Enchong Dee, ang "Maria la del Barrio." Mula ng magsimula ito noong nakaraang taon, hindi binigo ng programa ang fans dahil sa gabi-gabing maiinit na eksena ng mga bidang karakter nitong sina Maria (Erich) at Luis (Enchong). Ngayong linggo, saksihan ang ganti ng tadhana sa mga taong nang-api kay Maria. Mabawi kaya nila ni Luis ang anak na si Andy sa kamay ni Sabrina (Jewel Mische)? Manalo na kaya sa korte si Sandra (Assunta de Rossi) at makuha ang parte niya sa Amore mula kay Victoria (Angel Aquino)? Tuluyan na kayang magkabalikan at mabuo na ang pamilya nila Maria at Luis? Huwag palampasin ang mas mga umiinit na tagpo sa “Maria la del Barrio,” bago mag-"TV Patrol," sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment