Magsisimula nang umikot ang kapalaran ng karakter ni Coco Martin sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Walang Hanggan." Matapos ang mararahas na pinagdaan, hindi na makakayanan ni Daniel (Coco) ang sakit na kanyang nararamdaman nang akalain niyang nagbabago na ang damdamin ni Katerina (Julia Montes) para sa kanya, kaya't magpapasya itong lisanin na ang hacienda ng mga Alcantara. Makikita naman ito ni Emily (Dawn Zulueta) na magandang oportunidad para sa inaasam niyang paghihiganti sa mga Montenegro kaya't pagdedesisyonan niyang kupkupin si Daniel. Ngunit sa kabila ng maitim na balak, mangingibabaw ang lukso ng dugo lalo na sa pagpunta nila sa Italy para sa isang wine business venture. Matuklasan na kaya ni Emily na si Daniel ang inaakalang niyang namatay na anak nila ni Marco (Richard Gomez)? Paano magbabago ang buhay ni Daniel ngayong kasama na niya ang tunay na ina? Huwag palampasin ang pagbabago ng buhay ng mga karakter ng "Walang Hanggan" gabi-gabi, sa bago nitong time slot, pagkatapos ng "E-Boy" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs.walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.
0 comments:
Post a Comment