Hindi maiwasan na ikumpara si Coco Martin sa kapwa aktor na si John Lloyd Cruz dahil sa dumadaming proyekto nito mapa drama man o comedy. Katulad ni John Lloyd, magaling si Coco sa pagpapakita ng kaniyang emosyon sa pamamagitan ng kaniyang mga mata pagdating sa mga madramang eksena. Epektibo rin umano ang kaniyang pagganap bilang leading man sa kaniyang iba’t-ibang leading lady. Sa paparating na romantic comedy movie na Born To Love You ni Coco Martin at Angeline Quinto ay sinasabing maaaring matalbugan niya na ang tagumpay ng tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.
Ayaw naman ni Coco na maikumpara sa three-time Box Office King na si John Lloyd o kahit sa sino pa mang artista. Para kay Coco Martin, hindi siya ang tipo ng artista na ayaw ikumpara ang mga nagawa at mga kakayanan sa kapwa dahil iba-iba naman umano sila bilang mga tao at pati na rin sa kanilang mga proyekto na ginagawa. Aniya, may kaniya-kaniya naman daw silang talento kung kaya mas maganda kung iyon ang makikita ng mga tagahanga nila at iwasan na ang pagkumpara sa kanila.
Ayaw naman ni Coco Martin na makaramdam ng pressure patungkol sa kaniyang bagong pelikula na maaari umanong mapantayan ang naging tagumpay ng huling pelikula ni John Lloyd Cruz. Ito ang unang break ni Coco sa mainstream movie dahil matatandaan na tinagurian siya bilang prinsipe ng Indie films kung saan siya nagsimula. Kung ano man umano ang magiging kinalabasan ng kaniyang bagong pelikula ay magiging masaya naman daw dito si Coco Martin.
Hindi rin daw siya umaaasa na maungusan nito ang mga pelikulang ginawa ni John Lloyd. Kuntento na rin umano ang binata sa paggawa ng isang magandang pelikula na pinaghirapan nila ng kaniyang leading lady. Ang responsibilidad ngayon ni Coco ay magawa ang trabaho niya at hindi na problemahin ang kikitain dahil alam niya naman daw na negosyo ito.
Ayaw niya na rin daw isipin at problemahin ang kikitain nito at kung malalampasan ba raw nito ang mga nagawa ni John Llody Cruz. Iginiit ni Coco Martin na ayaw niya nang isipin at problemahin ito dahil ayaw niya lang makadagdag sa alalahanin. Sa ngayon ay masaya si Coco sa kasalukuyang ratings ng kaniyang teleserye na Walang Hanggan dahil nananatili itong nasa number one spot sa primetime TV.
Nagpapasalamat naman si Coco Martin sa mga walang sawang nag-aabang ng kaniyang teleserye at sumusuporta sa kaniya. Aniya, iwasan na rin daw na ikumpara pa siya kay John Lloyd Cruz dahil magkaiba naman daw sila ng mga proyekto at mga narating. Ang mas mahalaga raw ay pareho nilang nabibigyan ng kasiyahan ang kanilang mga manonood.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment