Masaya si Garrie Concepcion dahil hindi hinahayaan ng kaniyang kapatid na si KC Concepcion ang mga intriga na makaapekto sa kaniyang career. Supportive naman daw si KC bilang nakakatandang kapatid kay Garrie na baguhan sa showbiz. Hindi lumaki na magkasama ang magkapatid dahil magkaiba ang kanilang mga ina. Hindi kaila sa mga tao ang pinagdaanan ni KC Concepcion sa kaniyang buhay pag-ibig na naging sentro ng usapan nang makipaghiwalay siya sa heartthrob na si Piolo Pascual.
Sa panayam kay KC ay kitang-kita ang sakit na kaniyang nadarama sa mga panahong ikinukuwento niya ang hindi naging magandang pagtatapos ng kaniyang relasyon. Proud si Garrie Concepcion na ang kaniyang kapatid na natili raw na matatag sa kaniyang mga pinagdaanang mga problema.
Unti-unti nang pinapasok ni Garrie ang mundo ng showbiz at hindi naman daw siya pinapabayaan ng kaniyang ate KC. Sinisigurado raw parati ni KC Concepcion na kumportable ang kapatid na si Garrie Concepcion sa kaniyang mga guesting at mga appearance. Kamakailan lang ay nasangkot ang pangalan ng panganay na anak ni Gabby Concepcion sa kontrobersiya. Aminado si Garrie na nasasaktan siya para sa kaniyang kapatid. Hindi naman daw ito maiiwasan ayon kay Garrie Concepcion pero para sa kanilang malalapit na tao ay alam nila kung ano talaga ang totoo kung kaya hindi sila nag-aalala para kay KC.
Gusto raw kasi ni KC Concepcion na hindi na lumaki ang mga isyu kung kaya hindi niya na lang daw ito pinapansin. Minsan ang mga bashers pa umano ang nagpapalakas ng loob sa isang artista. Para kay Garrie Concepcion, ang mga ito ang nagiging dahilan para patunayan pa sa kanila na marami pa siyang kayang gawin bilang isang performer. Ang mga haters din daw kasi ang tumutulak sa kaniya para patunayan na mali ang kanilang mga sinasabi laban sa kaniya. Para kay Garrie, tama ang ginagawang pangdededma ng kapatid na si KC sa mga naninira sa kaniya dahil masasayang lang umano ang oras niya rito.
Hindi itinanggi ni Garrie Concepcion naging malapit na sila ni KC Concepciono ngayong sila ay may mga sariling isip na. Inaalala ni Garrie ang litrato nilang magkasama ni KC noong sila ay mga bata pa. Ito ay noong pareho silang nasa beach house sa Anilao, Batangas ng kanilang ama.
Matatandaang sa France nag-aral ng kolehiyo si KC Concepcon samantalang si Garrie naman ay sa La Salle St. Benilde. Nagkaroon lang daw sila ng pagkakataon na mas makilala pa ang isa’t-isa nang mamatay ang kanilang lolo na ama ng kanilang ama na si Gabby. Ngayon ay sinasamantala na nina Garrie Concepcion at kapatid na si KC Concepcion ang mga oras na sila ay magkasama kung kaya hindi nila ito pinapalamapas.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment