Kasalukuyang abala sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa kanilang nalalapit na pelikula na pinamagatang Crazy Love. Ito ang magiging 20th anniversary offer ng Star Magic na magsisilbing reunion project nina Gerald at Kim pagkatapos ng huli nilang naging pelikula noong 2010. Aminado si Gerald Anderson na excited na siya sa muli nilang pagtatambal ni Kim Chiu.
Ipinagmalaki rin ni Gerald na sasayaw siya sa pelikula nilang gagawin ni Kim kung kaya lalo pang nadagdagan ang kaniyang excitement. Gusto nang makita ni Gerald Anderson ang maturity ng dati niyang leading lady na si Kim Chiu pagdating sa pag-arte.
Mahigit isang taon ding nagkahiwalay sa mga proyekto sa TV sina Gerald at Kim kung kaya ito na muli ang pagkakataon na sila ay magkakatrabaho. Kinumpirma ng binata na magkakaroon sila ng maraming sweet na eksena sa pelikula dahil ang karakter ng aktor ay may gusto sa dalaga. Dagdag ni Gerald Anderson, love at first sight daw ang nadama ng kaniyang karakter para kay Kim Chiu. Hindi naman sinabi ni Gerald kung may kissing scene sila ni Kim sa naturang proyekto.
Lagi namang handa ang aktor na magkaroon ng kissing scene sa dalagang aktres. Aminado naman si Gerald Anderson na hindi mawawala sa kaniya ang pagiging espesyal ni Kim Chiu. Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Gerald at Kim patungkol sa kanilang relasyon. Lumabas noon na pinagbabantaan umano ng mga Kimerald fans si Bea Alonzo na napapabalitang nililigawan noon ng binatang si Gerald Anderson.
Dito na rin nagsimula na maghiwalay ang Kimerald sa kanilang tambalan at nagkaroon ng kani-kanilang mga partners sa iba’t-ibang mga proyekto. Napapabalita ngayon na nililigawan umano si Kim Chiu ng kaniyang Binondo Girl leading man na si Xian Lim. Samantala si Gerald Anderson naman at Sarah Geronimo ay mukhang nagkakamabutihan na Ipinagmamalaki naman ni Gerald na nananatili pa rin daw ang propesyonal nilang relasyon ni Kim kahit iba na ang kanilang mga on-screen partners. Matatandaang dalawang pelikula na ang pinagsamahan ng aktor at ni Sarah samantalang isang TV series naman ang kanilang naging proyekto nila ni Jessy Mendiola.
Hindi naman magpapahuli si Kim Chiu dahil sa kaniyang nakaraang teleserye ay tatlong binata ang kaniyang naging leading men at isa na rito ang napapabalitang suitor ng dalaga na si Xian Lim. Umaasa naman si Gerald Anderson na nananatili pa rin ang chemistry nilang dalawa katulad ng pananatili ng kanilang working relationship. Sigurado naman ang binata na hindi pa rin natatanggal ang magic nila ni Kim sa harap ng kamera.
Gaganap bilang isang macho dancer si Gerald Anderson na makikilala ng karakter ni Kim Chiu. Pinaghandaan naman daw ito ni Gerald sa pamamagitan ng pagpasok pag obserba sa isang gay bar kung saan nagsuot pa siya ng isang sumbrero para hindi makilala ng mga tao. Bukod sa pelikula ni Kim ay abala rin si Gerald sa kaniyang indie film. Sa ngayon ay hinihintay na lang ni Gerald Anderson na matapos ang kanilang shooting ni Kim Chiu para masimulan na rin ang susnod niyang proyekto.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment