Masaya ang aktres na si Megan Young dahil binigyan siya ng pagkakataon na bumida sa panghapong teleserye na Precious Hearts Romances Presents: Hiyas at kasama ang aktor na si Zanjoe Marudo. Ayon kay Megan, kakaiba raw ang kaniyag role dito dahil wala ito sa kaniyang comfort zone. Kuntento naman ang dalaga sa kinalabasan nito dahil naging kumportable naman siya na makatrabaho ang binatang si Zanjoe.
Napagdaanan na rin daw ni Megan Young ang mga karakter bilang isang kontrabida at pagiging other woman kung kaya natutuwa siya dahil binigyan siya ng isang lead role kung saan ramdam niya ang challenge na ibinigay sa kaniya. Nagpapasalamat din ang dalaga dahil si Zanjoe Marudo ang kaniyang partner na kilala bilang isang magaling na aktor. Ngayong siya na ang bida at hindi na ang kinaiinisan na karakter sa isang serye, gustong patunayan ni Megan na karapat-dapat siya sa pinagkatiwala sa kaniyang role.
Ramdam ni Megan Young na malaki ang expectation sa kaniya ngayong isa na siyang bida kung kaya hindi niya raw bibiguin ang tiwalang ibinigay sa kaniya. Ito rin ang unang pagkakataon na makakasama ng dalaga si Zanjoe Marudo bilang leading man.Gaganap bilang isang mandirigma si Zanjoe na makikilala ang isang mayamang dalaga na magiging karakter ni Megan. Aminado si Megan Young na nag atubili siya nang unang ipaalam sa kaniya ang magiging karakter niya dahil malayo raw ito sa kaniyang personalidad bilang isang wholesome na aktres.
Hindi itinanggi ng aktres na takot ang una niyang naramdaman sa naturang role. Magkakaroon kasi ng mapupusok na mga eksena sa pagitan ni Megan Young at Zanjoe Marudo sa naturang teleserye. Ilang beses nang lumabas si Zanjoe sa serye ng Precious Hearts Romance samantalang ito naman ang unang pagkakataon na gagawa ng isang daring role ang host-actress na si Megan. Sa mga lumabas na promotional pictures nina Megan Young at Zanjoe Marudo ay kitang-kita ang mga mapangahas na damit ng dalaga. Sinigurado naman si Megan ng kaniyang direktor na hindi magiging bastos ang kalalabasan ng kanilang proyekto ni Zanjoe.
Hindi naman nagsisisi si Megan Young sa kaniyang pagtanggap sa naturang role dahil nabigyan niya umano ang sarili ng pagkakataon na masubukan ang iba pang parte ng pagiging artista. Bilib din daw siya sa galing at pagiging propesyonal na partner ni Zanjoe Marudo kahit pa marami silang mapupusok na eksena. Propesyonal din umano magtrabaho si Zanjoe kung kaya naging mas madali ang kanilang pagsasama. Excited na pareho si Megan Young at Zanjoe Marudo para sa kakaibang istorya ng kanilang serye na siguardo silang ikatutuwa ng mga manonood.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment