Pare-parehong nakaka-relate sa kuwento ng "Mundo Man ay Magunaw" ang tatlo sa mga nakababatang bida nitong sina Empress, Nikki Gil, at Ejay Falcon; partikular na sa usaping pagmamahal sa pamilya at higit lalo na sa kadakilaan ng isang ina.
Ayon kay Empress, lahat ng pagsusumikap niya sa trabaho ay para sa kanilang pamilya at kay Mama Gina niya. "Para akong si Sheryl dahil tumutulong siya sa pamilya niya. Kagaya niya, gagawin ko ang lahat maging masaya lang ang pamilya naming, lalo na si mama," sabi ni Empress.
Para naman kay Nikki, kapwa pareho sila ng karakter niyang si Jenny pagdating sa paghahangad na mapasaya ang kanyang Mommy Julie. "Gusto ko ring maging proud ang mommy ko dahil sa aking achievements."
Samantala, saludo si Ejay sa Mama Josephine niya sa lahat ng ginawa nito upang maitaguyod silang magkakapatid. Aniya, "Bilib ako sa ginawa niyang pagsasakripisyo, kahit ng buhay niya, para sa pamilya namin."
Ngayong darating na Mother's Day, kanya-kanyang paraan sina Empress, Nikki, at Ejay upang gawing espesyal ito para sa kanilang mga ina.
"May salu-salo sa bahay, pero syempre si mama ang magluluto dahil super sarap niya magluto," kuwento ni Empress.
Kapwa naman dinner treat ang regalo nila Nikki at Ejay sa kani-kanilang mommies. "Kakain lang sa labas buong pamilya kasi kumpleto kami ngayon dito sa Manila," sabi ni Ejay.
Samantala, patuloy na tutukan ang mas umiinit na mga eksena sa de-kalibreng teleserye ng ABS-CBN Kapamilya Gold na "Mundo Man ay Magunaw", araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng "It's Showtime." Para sa karagdagang impormasyon, mag log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa twitter o i-'like' ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment