Patuloy ang pag-ariba ng showbiz career ng Kapamilya leading man na si Paulo Avelino. Wala pang isang taon mula nang lumipat ito sa bakuran ng ABS-CBN, sunod-sunod na blessings na ang natamo ng hunk actor na mas kilala ngayon bilang si 'Nathan Montenegro' ng no.1 TV program sa Pilipinas na "Walang Hanggan."
Mula sa pagiging bahagi ng '100 Sexiest Men in the Philippines' noong nakaraang taon ng isang sikat na magazine, kinikilala na ngayon si Paulo bilang isang ganap na aktor, lalo na nang tanggapin niya ang kanyang kauna-unahan acting award kamakailan bilang best supporting actor sa naganap na 2012 Pasado Awards para sa natatangi niyang pagganap sa indie film na "Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa."
Ayon kay Paulo, inspirasyon para sa kanya ang natanggap na parangal. Aniya, "Ngayon mas ganado akong husayan ang trabaho ko at higitan 'yung nagawa kong performance sa movie na 'yun. Inspirado ako lalong hasain 'yung talent ko para naman mapatunayan ko ang halaga ko bilang isang aktor."
Mula sa iba't ibang karakter na telebisyon, isa na ngayon si Paulo sa mga pinakatinitilian at pinakasinusubaybayang leading men ng ABS-CBN lalo na sa gabi-gabi niyang pagganap bilang Nathan sa "Walang Hanggan."
Kuwento ni Paulo, na magdiriwang ng kanyang kaaarawan ngayong Linggo (Mayo 13), masayang-masaya siya sa magagandang bagay na nangyayari sa kanyang career. "Hindi ko talaga inaasahang makikilala agad ako ng viewers. Masaya na akong nabibigyan ng chance na ipakita ang acting skills ko," aniya. "Pero mabilis akong natuto mula nung tinanggap ko 'yung challenging roles sa '100 Days to Heaven,' 'Wansapanataym,' at 'Maalaala Mo Kaya.' 'Yun ang nag-prepare sa akin para sa 'Walang Hanggan."
Nang tanungin si Paulo sa 'sikreto' niya sa pagsikat, ito lamang ang ibinahagi ng hunk actor: "Sipag at maraming prayers. Kailangan huwag kang hihintong maniwala, huwag titigil matuto, at kailangan manatiling humble. S'yempre laking pasalamat ko rin sa suporta ng aking network, ang ABS-CBN."
Samantala, tulad ng pag-ariba ng showbiz career ni Paulo, patuloy din ang paglabas ng tunay na kulay ng karakter niya sa "Walang Hanggan" na si Nathan. Ngayong malapit nang mabunyag na si Daniel (Coco Martin) ang nawawalang anak nina Emily (Dawn Zulueta) at Marco (Richard Gomez), paano haharapin ni Nathan ang katotohanan na kapatid niya ang pinakamatindi niyang karibal sa puso ni Katerina (Julia Montes)? Hudyat na ba ito ng mas malaking away sa pagitan nila? Ang labis na selos ba ni Nathan ang magpapalala ng kanyang sakit?
Patuloy na subaybayan ang teleseryeng tinututukan ng buong sambayanan, "Walang Hanggan" gabi-gabi, pagkatapos ng "Princess and I" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment