Siksik sa mga nakakatawang mga linya, siguradong pasasayahin ng Goin' Bulilit ang ating Mother's Day sa pagbibigay ng mga jokes tungkol sa pagmamahal at pag-aaruga sa atin ng ating mga ina.
Siguradong matatawa tayo sa mga spoof tulad ng Umiiyak na baby (tungkol sa pag-aalaga ng mga ina sa mga baby), Talipapa (tungkol sa mga inang namimili sa palengke) at Labahan sa poso (tungkol sa kung paano naglalaba ang ating mga nanay).
Bukod rito, patatawanin naman tayo ng bersyon ng GB sa hit teleserye na paborito ng mga nanay na "Princess and I", sa sarili nitong bersyon na "Princess Inday".
Bilang parangal sa mga ina, inihahandog ng Goin Bulilit kids sa kanila ang palabas ngayong linggo. Makitawa at makipagkulitan kasama ang ating mahal na ina sa Goin' Bulilit ngayong Linggo (Mayo 13, 2012), pagkatapos ng TV Patrol Weekend, dito lang sa ABS-CBN. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment