Ayon sa bali-balita, ang dalawa sa main cast ng palabas ay humaharap sa matinding pagsubok sa kani-kanilang love life. Habang nagiging mas sweet ang mga ito sa kanilang love teams, ang personal na relasyon nina JB at Boom, na ginagampanan nina Marco Gamboa and CJ Navato sa kanilang mga girlfriends ay natapos na. Ang rason sa likod ng nangyaring hiwalayan di umano'y dahil sa selos.
Sa kabila nito, nakakahanap ng saya ang magkaibigang Marco at CJ sa kanilang barkada sa "LUV U". Ayon kay Miles Ocampo, ang gumaganap bilang Camille sa palabas, "Lahat kami naging close dahil sa show, yung pagkakaibigan namin mas lalong tumatag."
Ibig sabihin ba nito ay wala ng pipigil kay Marco at CJ na maging mas sweet at mas close pa sa kanilang "LUV U" partners? Ngayon pa na ang episode ngayong linggo ay tungkol sa sumisidhing damdamin nila sa isa't isa?
Abangan ang "LUV U" ngayong linggo sapagkat hihingi na si JB ng permiso kay Lola Paula na ligawan si Camille. Sa wakas, sasagutin na ba ni Camille si JB?
Alamin sa "LUV U", ang #1 trending show tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 2012 sa ABS-CBN. Para sa mga updates, mag-logon sa http://www.facebook.com/LUVUBarkada By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment