Kuwento ng katatagan ng isang nangungulilang ina ang tampok ngayong Sabado (Mayo 12) sa Mother's Day special ng "The Bottomline with Boy Abunda" kasama si Edith Burgos, ang chairperson ng samahan ng mga pamilyang biktima ng 'forced disappearances' sa Pilipinas o mas kilala sa tawag na 'Desaparecidos.'
Limang taon nang nakalipas mula ng dakipin ng mga hindi kilalang kalalakihan ang aktibistang anak ni Edith na si Jonas at magpasahanggang ngayon, wala pa ring kumpirmasyon ng kinaroroonan o kinahinatnan nito.
Ngayong Sabado, tuklasin ang tibay ng loob at wagas na pagmamahal ng isang ina sa matapang na paglalahad ni Edith ng kanyang damdamin kasama ang Asia's King of Talk na si Boy Abunda. Gaano kahirap para sa isang ina na mawalay sa kanyang anak? Paano siya binago ng limang taong wala ito sa piling niya? Matapos ang mahabang panahon, naniniwala pa rin ba siyang magkikita silang muli ni Jonas?
Huwag palampasin ang madamdaming kwento ng isang ina ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa 'Ani ng Dangal 2012' awardee na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment