Masaya ang aktres na si Kim Chiu sa naging resulta ng kaniyang bagong pelikula kasama si Vilma Santos. Bukod sa pagganap ng karakter na doppelganger o dual role ay masaya ang 21-taong-gulang na si Kim dahil nakasama at nakatrabaho niya ang Batangas Governor na si Vilma. Aniya, isang magandang karanasan ang makasama ang isa sa pinakamahusay na aktres sa industriya. Marami rin umanong natutunan si Kim Chiu kay Vilma Santos bilang isang aktres at bilang isang tao. Maging ang direktor nina Kim at Vilma ay nagsilbi rin umanong malaking tulong para sa kanila. Aminado si Kim Chiu na tila lumalim na ang kaniyang pag-arte at maging sa kaniyang trabaho ay nag-iba na rin ang kaniyang pananaw.
Sa kalagitnaan ng shooting ng pelikula ay mayroon umanong mga panahong na-intimidate si Kim sa kaniyang bigating co-star. Aminado si Kim Chiu na medyo nahirapan siyang gawin ang ilang eksena na kasama si Vilma Santos. Masaya ang dalagang aktres dahil tinulungan umano siya ng kaniyang idolo na ayusin ang kaniyang pagganap at mag-focus na lang sa pinapakitang karakter. Isa sa mga natutunan ni Kim kay Vilma ay ang gawin ang lahat sa set upang huwag masayang ang mga eksena. Hangang-hanga naman si Vilma Santos sa galing ng kaniyang co-star.
Nagkasama na ang dalawa noon sa isang TV special ni Vilma Santos kung saan nagkaroon sila ng confrontation scene ni Kim Chiu. Kasalukuyang naghahanda si PBB Teen winner para sa kaniyang pinakabagong teleserye kasama sina Maja Salvador, Xian Lim at Enchong Dee. Nagpapasalamat naman si Kim sa pagkakataon ibinigay sa kaniya ng Kapamilya network dahil nakatrabaho niya ang kaniyang iniidolo. Maging si Vilma Santos ay malaki ang pasasalamat sa pagkakataon na makatrabaho ang isa sa pinakamagaling na batang aktres sa industriya. Sinigurado naman ni Kim Chiu na hindi masasayang ang lahat na itinuro sa kaniya ng beteranang aktres pagdating sa pag-arte.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment