Nalalapit na ang birthday concert ni Sarah Geronimo at marami sa kaniyang mga tagahanga ang umaasa na makakasama nito ang aktor na si Gerald Anderson. Umaasa naman ang binatang aktor na si Gerald na makakapunta siya sa concert ni Sarah na magaganap sa July 7. Hindi pa matiyak ng Budoy star ang araw na ito dahil marami umano siyang showbiz commitments sa mga panahong iyon. Bagamat wala pang proyekto sina Gerald Anderson at Sarah Geronimo na magkasama ay masaya na ang binata sa kanilang kasalukuyang relasyon ng dalaga. Sa dalawang pelikula na nagawa ng dalawa ay hindi mapagkakaila na nakabuo na ang mga ito ng espesyal na pagkakaibigan.
Sinigurado naman ni Gerald na mas malalim na ang pinagsamahan nila ni Sarah ngayon. Kinumpirma naman ni Gerald Anderson na marami na silang alam sa buhay ng isa’t-isa at mananatiling inspirasyon niya si Sarah Geronimo sa kaniyang trabaho. Itinanggi na noon ng dalawa na mayroon ng relasyong namamagitan sa kanila at iginiit na mas masaya lang sila sa gumaganda nilang samahan bilang magkaibigan. Isang rebelasyon naman ang sinabi ng binata patungkol sa kanilang pagkakaibigan ni Sarah. Isa raw sa nagpapasaya ngayon kay Gerald ay ang pagpayag ng magulang ng dalaga na bumisita siya sa tahanan nito paminsan-minsan. Hindi naman madalas ang pagbisita ni Gerald Anderson sa dalaga dahil pareho silang abala sa kanilang mga trabaho.
Ang tiwala umanong ibinibigay ng pamilya ni Sarah Geronimo sa kaniya ang binibigyan niya ng pasasalamat. Gusto iparating ni Gerald ang kaniyang pasasalamat sa mommy at daddy ni Sarah dahil binibigyan siya ng pagkakataon na mas makilala pa ang kanilang dalagang anak. Bukod dito ay napapansin din daw ng aktor na tila bukas na si Sarah Geronimo pagdating sa pagpapahayag nito ng kaniyang tunay na nararamdaman. Naniniwala si Gerald Anderson na ito na ang tamang oras para ipakita ito ng Popstar Princess dahil 24-taong-gulang na rin naman ito.
Naniniwala si Gerald na hindi na kailangan pang itago ng dalagang si Sarah ang kaniyang nararamdaman. Maaaring nasanay umano ang mga tao na dinadaan na lang sa tawa ni Sarah Geronimo ang mga katanungan patungkol sa kaniyang buhay pag-ibig. Ayon kay Gerald maganda ang loob at labas ng pagkatao ni Sarah at alam niyang hindi magtatagal ay magiging matured pa ito. Wala naman daw umanong problema kung hindi pa handa ang singer na pumasok sa isang relasyon dahil mas gusto niya umanong pumasok sa isang commitment na kung kinakailangan pa itong itago. Sa ngayon ay sapat na kay Gerald Anderson ang inspirasyon na ibinibigay sa kaniya ni Sarah Geronimo dahil pareho naman silang hindi nagmamadali pagdating sa pag-ibig.
0 comments:
Post a Comment