Matapos ang ilang buwang paghihiwalay ay napapabalita ngayon ang pagbabalikan di umano ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Agad namang itinanggi ni Angel ang mga balitang ito at iginiit na hindi pa sila nagkikita ng binatang si Derek simula nang sila ay magkahiwalay. Naniniwala si Angelica Panganiban na ito ang mas makakabuti sa kanila ng ex-boyfriend na si Derek Ramsay. Hindi naman itinanggi ng dalaga na magiging maayos din ang lahat. Maging ang komunikasyon ay tinapos na rin ng dalawa matapos ang kanilang anim na taong pagsasama. Ayon kay Angelica, tatanggapin niya umano ang realidad na ito dahil hindi naman daw sila pwedeng maging matalaik na magkaibigan ni Derek matapos ang kanilang paghihiwalay.
Paliwanag ni Angelia Panganiban, mahirap ang ganitong sitwasyon dahil isang kalokohan kung mangyari ito. Kailangan umano na parehas sila ni Derek Ramsay na makakpag-move on at parehas na gumaling ang kanilang mga sugat sa puso. Dalawang linggo na rin na nakatira ang aktres sa kaniyang bagong bahay. Matagal na umanong plano ni Angelica ang pagbili ng sariling tahanan ngunit mas pinili niyang unahin ang kaniyang pamilya partikular na ang kaniyang ina at lola. Hindi naman daw totoo na binili niya ito nang maghiwalay sila ni Derek dahil matagal na itong nakaplano simula pa nang malaman niyang okay na ang kaniyang pamilya sa kanilang tahanan.
Nasa magkabilang istasyon ngayon sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay at parehong aktibo sa parehong network. Naghahanda ngayon si Angel sa isang teleserye kasama si Piolo Pascual na may pamagat na Apoy sa Dagat. Noong nakaraang April ay tuluyan nang lumipat si Derek sa Kapatid network matapos ang mahabang espekulasyon patungkol sa kaniyang paglipat ng bakuran. Ayon sa actor-host, ito na raw ang pinakamalaking desisyon na nagawa niya sa kaniyang career at nagpapasalamat siya dahil tinanggap siya ng TV5.
Kung si Angelica Panganiban ay magiging abala sa isang teleserye, si Derek Ramsay naman ay magiging host ng Amazing Race Philippines na local franchise ng TV5 ng isang kilalang international reality game show. Bago pa makipaghiwalay kay Angelica Panganiban ay gumawa na si Derek Ramsay ng kaniyang blockbuster movie sa Star Cinema sa pamamagitan ng “Praybeyt Benjamin” at “No Other Woman”. Magkakaroon naman ng reunion project ang aktres at si Piolo Pascual sa small screen matapos nilang magkatrabaho noong 2004 sa soap opera na Mangarap Ka.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa marami kung ano nga ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa at nanatili pa ring palaisipan sa kanilang mga tagahanga. Itinanggi na noon ni Derek na may third party ang kanilang hiwalayan ni Angelica. Sa kainitan ng kanilang break-up ay makikitang si Derek Ramsay ang madalas magsalita sa harap ng kamera patungkol sa mga intrigang pumapalibot sa kanilang relasyon ni Angelica Panganiban.
0 comments:
Post a Comment