Matapos ikasal nina Kyla at Rich Alvarez noong November 28, 2011 ay hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubuntis ang R&B Princess. Ayon kay Kyla, ayaw na nila masyadong pilitin ng basketball player na si Rich ang ganitong kalagayan at pinapabayaan na lamang nila kung kailan sila mabibiyayaan ng anak. Itinanggi ni Kyla na hindi ibig sabihin nito ay hindi na nila sinusubukan ni Rich Alvarez dahil malaking effort naman umano ang kanilang ibinibigay pagdating dito. Simula nang iplano na ng dalawa ang kanilang kasal ay kasama na ang pagkakaroon ng anak sa kanilang plano.
Aminado naman si Kyla na wala silang oras para makapag-relax ng kaniyang mister dahil sa kanilang mga schedule. Natatakot raw si Kyla at Rich Alvarez na kapag lalo pa nilang sinubukan ay baka lalong hindi mangyari ang gusto nila. Ipinapaubaya na rin daw ng mag-asawa sa Panginoon ang kanilang hiling na anak dahil alam nila na mabibiyayaan din sila nito pagdating ng tamang panahon. Kung sakali namang mabuntis agad si Kyla ay nakadepende umano sa kaniyang kalagayan kung itutuloy niya pa ang kaniyang trabaho. Susundin lang daw niya kung ano ang gusto ng doktor.
Hindi naman itinanggi ni Kyla na prayoridad niya ang kanilang magiging anak ni Rich Alvarez. Wala naman umanong problema kung makakatulong pa ang kaniyang trabaho habang siya ay nagbubuntis. Naniniwala naman ang singer na habang buntis ay mas lalong gumaganda ang boses dahil tumataas ang timbre. Advice rin sa misis ni Rich ay bumirit na lang daw ito kung dumating na ang oras na manganganak na ito. Ngayong hindi pa buntis si Kyla ay sinasamantala naman nila ito ng kaniyang mister na si Rich Alvarez para pumunta sa iba’t-ibang lugar at maenjoy ang oras na magkasama.
Matagal na rin daw na hindi nakakapabyahe sina Kyla at Rich na magkasama dahil madalas lamang umalis ang singer kapag siya ay may trabaho. Excited na rin umano siya na makapunta sa iba’t-ibang bansa kasama ang asawang si Rich Alvarez. Extended honeymoon na rin daw umano nila ito at enjoy na enjoy naman daw nila ang kanilang oras na magkasama. Sa nakaraang panayam kay Kyla ay nabanggit nito na tila matagal na siyang handa para maging ina ng kanilang anak ni Rich. Natural na umano sa kaniya ang katangiang ito dahil noon pa lamang ay mahilig na raw talaga siya sa mga bata. Mas gusto rin daw ni Kyla na magkaroon ng kambal na anak kay Rich Alvarez para isahan na lamang sa paglabas nito.
0 comments:
Post a Comment