Sa isang panayam sa dalagang si Karen Reyes na Second Big Placer ng  ng makontrobersyal na PBB Teens ay nabanggit nito na aware siya sa mga sinasabi ng maraming tao patungkol sa kaniya. Hindi naman itinanggi ni Karen na naging agresibo siya noong unang linggo niya sa PBB House. Ipinalabas din sa PBB Teens ang mga ikinilos ni Karen Reyes at aminado ang dalaga na nalalandian din daw talaga siya sa sarili niya noon. Pero habang tumatagal ay nakita na rin umano nito ang pagbabago sa kaniyang sa kaniyang pag-uugali. Bago pa sumali sa PBB Teens ay inamin na rin noon ni Karen na madalas siyang ma-misinterpret ng ibang tao. Paliwanag naman ng dalaga, ang nakita lamang daw ng mga tao sa loob ng bahay ay ang kaniyang mga negatibong ugali kung kaya naisip ni Karen Reyes na magsimulang magbago.
Naugnay ang mga PBB Teens sa kanilang kapwa housemates ngunit tumatak sa mga tao ang pagkakaugnay ng dalaga kay Kit Thompson ngunit hindi nagtagal ay napunta ang atensyon ng binata sa PBB Big Winner na si Myrtle Sarrosa. Hindi naman daw nakaramdam ng selos si Karen Reyes dahil hindi naman daw ito kailangan. Nagsawa na rin umano siya sa minu-minuto nilang awayan ng binata kung kaya tinigilan niya na rin ito. Sa PBB Teens ay naranasan ni Karen na ma-nominate ng sunod-sunod na talagang ikinabahala niya. Kung matatanggal daw siya ay hindi niya na mapapatunayan na karapat-dapat siya bilang housemate.
Hindi nagtagal ay isa na namang tambalan ang nabuo sa bagong batch ng PBB Teens nang maging malapit sa isa’t-isa si Karen Reyes at Ryan Boyce. Iitinanggi naman ng dalaga na nagkaroon sila ng relasyon ng kaniyang kaibigan at madalas lamang daw naglolokohan kung kaya napalapit na sila sa isa’t-isa. Kapag may problema raw si Karen ay madalas niyang kinakakusap si Ryan patungkol dito. Ikinatuwa niya naman ang kanilang bagong pagkakaibigan dahil parati siyang tinutulungan ng binata kapag may problema kung kaya lalo pang naging malalim ang kanilang samahan.
Hindi itinanggi ni Karen na nagsabihan na sila ng ‘I love you’ ng kapawa PBB Teens housemate pero hindi naman daw ibig sabihin nito ay magkasintahan na sila. Sa ngayon ay magkaibigan na lang daw sila ng binata at willing naman daw ito maghintay ng tamang oras para sa kanilang relasyon. Ang isa raw na natutunan ni Karen Reyes bilang bahagi ng PBB Teens ay ang pagkontrol ng kaniyang nararamdaman at ang hindi pagiging padalos-dalos sa desisyon.
0 comments:
Post a Comment