Sa kabila ng mga intrigang nakapalibot sa relasyon ng magkasintahang Rayver Cruz at Cristine Reyes ay nananatili naman umanong maganda ang takbo nito ayon sa binata. Isang simpleng dinner naman kasama ang pamilya at ang nobyang si Cristine ang ginawa ni Rayver para ipagdiwang ang kaniyang ika-23 na kaarawan. Simple lamang daw ang hiling ni Rayver Cruz at ito ay ang matagumpay na career, magandang kalusugan ng kaniyang pamilya at mga mahal sa buhay partikular na si Cristine Reyes. Hindi pa rin daw nakukuha ng binata ang kaniyang regalo mula sa nobya na kababalik lamang galing London. Aniya, nasa balikbayan box pa umano ito at iginiit na hindi naman daw siya humihiling ng pasalubong sa dalaga.
Ayon kay Rayver Cruz, malaking bagay sa relasyon nila ni Cristine Reyes ang give-and-take at pag-iintindi sa isa’t-isa. Aniya, kailangan umanong magmahalan para hindi masira ang kanilang magandang samahan. Kung tutuusin ay wala na rin daw pinagdadaanang mabigat ang relasyon nina Rayver at Cristine subalit patuloy pa rin ang mga ibinabatong intriga sa kanilang dalawa. Pinagtatawanan na lamang daw nina Rayver Cruz at Cristine Reyes kung sakaling may marinig sila patungkol dito. Ang mahalaga raw sa dalawa ay nanatiling maganda ang kanilang samahan at masaya sila sa isa’t-isa.
Kamakailan lang ay lumabas ang isyu patungkol sa nobya niya na si Cristine at isang pulitiko. Ayon kay Rayver, lahat ng isyu sa dalaga ay pinagtatawanan niya na lamang dahil normal na umano sa aktres na gawan ng iba’t-ibang issue. Mariing ding itinanggi ni Rayver Cruz na hindi raw boto ang kaniyang pamiliya kay Cristine Reyes. Aniya, magkasama lamang daw ang kaniyang pamilya at nobya. Kakalipat lamang ni Cristine sa South kung kaya madalas na silang magkaroon ng oras ng pamilya ni Rayver na makapag-bonding. Hindi pa raw kasi magkakilala si Cristine Reyes at Rayver Cruz ay matagal nang pinaplano ng nobya na manirahan sa South.
Maging ang mga isyu ng pagpaparetoke umano ni Cristine ng kaniyang mukha ay pinasinungalingan din ni Rayver. Marami ang nakapansin sa malaking pinagbago ng itsura ng aktres na si Cristine Reyes kumpara sa kaniyang dating mukha. Para kay Rayver Cruz ang importante sa kaniya ngayon ay nananatiling masaya ang kanilang relasyon. Mahigit isang taon na rin ang kanilang relasyon kung kaya gustong sabihin ng binata na mas lalo pa itong tumatatag habang tumatagal.
0 comments:
Post a Comment