Ilang linggo na ang nakakaraan simula nang magpakuha ng DNA test si Angeline Quinto at ang nagpapakilalang ina nito na si Veronica Tolentino ngunti negatibo ang naging resulta nito. Matatandaang lumabas sa telebisyon si Veronica para iparating umano kay Angeline na siya raw ang tunay nitong ina. Ang nagpakilalang ina ng singer ay gusto umano magpakuha ng DNA test para mapatunayan lang na ang dalaga ang matagal niya nang hinahanap na kaniyang ank. Samantala ang isinagawang test naman sa ama ni Angeline Quinto na si Pop Quiros ay positibo ang naging resulta.
Marami ang nagulat nang magpakita si Veronica sa telebisyon at ayon sa kaniyang mga kuwento ang isa sa mga kaibigan niya ang nagsabi na anak niya umano ang dalagang singer na si Angeline. Ayaw niya rin daw  na isipin ng tao na niloloko niya lang ng dalaga kung kaya pinatunayan niya ang kaniyang senseridad sa pamamagitan ng DNA test. Hindi itinanggi ni Angeline Quinto na umaasa siyang si Victoria Tolentino na nga ang ina na hinahanap niya. Matagal na rin umanong hinahanap ng singer ang kaniyang tunay na ina pero hindi daw siya nabibigyan ng pagkakataon na makilala at makita ito.
Nalungkot naman si Angeline nang malaman niya na hindi nag-match ang kanilang DNA ng nagpakilalang ina na si Victoria. Matatandaang nagpasalamat noon si Angeline Quinto sa paglabas ni Victoria Tolentino dahil umaasa rin daw siya na makikilala niya na sa wakas ang tunay na magulang. Hindi rin daw alam ng tinuturing na ina ni Angeline ang nangyaring test na ito dahil ayaw isipin ng dalaga na hindi siya kuntento sa pagpapalaki sa kaniya ng magulang. Matagal nang pangarap ni Angeline Quinto na mabuo ang kaniyang pamilya at kahit ang makilala lang ang kaniyang ina ay sapat na.
Nabanggit din ni Victoria Tolentino na may kapatid pa raw ang kaniyang anak at kasama umano nito ng singer na nawala. Marami rin ang naniwala na maaaring ito na nga tunay na magulang ni Angeline dahil na rin sa pagkakahawig ng kanilang mga mukha. Nilinaw noon ni Victoria na hindi pera ang habol niya sa tinuturing niyang anak. Aniya, matanda na umano siya at madalas magkasakit kung kaya mas gusto niya umano na bago pa siya pumanaw ay makilala niya man lang si Angeline Quinto. Sa araw ng DNA test unang nakita ng dalaga si Victoria Tolentino at nagyakapan pa ang mga ito bago sinimulan ang naturang test.
0 comments:
Post a Comment