Dahil sa naganap na iskandalo kay Ruffa Gutierrez at mga kasamahan nito sa sariling programa sa TV5 ay lumutang ang espekulasyon ng paglipat ng dalaga sa ibang istasyon. Ayon kay Ruffa, sa tuwing nagaganap ang kaniyang kaarawan ay mayroon umanong nangyayari pero iginiit niya na gusto niyang gawing positibo kung ano mang sa tingin ng tao na negatibong nagaganap sa kaniyang espesyal na araw. May kapalit naman umanong positibo pangyayari sa programa ni Ruffa Gutierrez sa TV5 na Paparazzi dahil ini-launch na ang kaniyang sariling foundation.
Pinasinungalingan naman ni Ruffa ang mga lumalabas na balitang aalis na siya ng TV5. Maging ang ina ni Ruffa Gutierrez na si Annabell Rama ay nilinaw ang naturang isyu. Aniya, aalis lamang ang dalaga sa kaniyang programa ngunit walang balak umalis sa TV5 network. Ang nangyari umano sa TV5 talk show niya ay maitituring ni Ruffa bilang bagong simula at bagong katapusan na naging bahagi ng kaniyang buhay. Alam naman daw ng dalaga na marami ang nag-reak sa naging desisyon niya na pag-alis sa sarili niyang programa. Para kay Ruffa Gutierrez, marami siyang natutunan sa mga nangyari sa kaniya at hindi niya umano ito hahayaang makaapekto sa kaniyang hinaharap.
Nakapag move-on na rin daw si Ruffa sa mga ginawa ng kaniyang mga TV5 co-hosts sa kaniya dahil ayaw naman umano nito magtanim ng galit sa mga tao.Inamin ni Ruffa Gutierrez na panandalian lamang ang kaniyang naramdamang galit kung kaya wala raw siyang dahilan para magdesisyon na umalis sa TV5. Masaya din umano ang dating beauty queen dahil nabigyan siya ng pagkakataon ng TV5 para magkaroon ng sariling programa.
Pinaliwanag din ni Ruffa na hindi siya galit sa buong show ng TV5. Inamin ng host-actress na galit siya sa taong nag-isip ng segment niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw niya nakikilala. May komunikasyon din naman daw si Ruffa Gutierrez sa ibang TV5 talents na kaniyang mga co-host at hindi itinanggi na namimiss niya na ang mga ito. Maging ang pang-ookray umano ng mga kasamahan ng dalaga sa kaniyang TV5 talk show ay mamimiss niya rin.
Bukas pa rin naman daw si Ruffa Gutierrez sa mga i-ooffer sa kaniya ng TV5 kahit pa isang showbiz-oriented talk show ulit ito. Umaasa naman daw siya na mabibigyan siya ng TV5 ng mas magaganda at fulfilling na mga proyekto. Halos dalawang taon na rin si Ruffa sa naturang show kung kaya napamahal na sa kaniya ang mga kasamahan niya rito. Iginiit ni Ruffa Gutierrez na lahat naman daw ng networks ay kaibigan niya katulad ng TV5 at nagtatrabaho lamang daw siya kung kaya bukas siya sa pagiging host sa iba’t-ibang programa ng kahit anong network.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment