Aminado si Annabelle Rama na mali ang kaniyang ginawa na pagsugod sa isang reporter habang nasa lamay ng yumaong aktor na si Dolphy. Bumalik sa  Heritage Park si Annabelle para umano humingi ng tawad sa kaniyang Pareng Dolphy at sa pamilya Quizon. Ang reporter na si Chito Alcid ang sinasabing nakaaway diumano ni Annabelle Rama habang sila ay kumakain sa isang kwarto. Mas maluwag na rin daw ang pakiramdam ng manager dahil nakahingi na siya ng tawad sa kaniyang kumpareng Dolphy at maging sa mga anak nito. Pinatawad naman daw siya ng pamilya ni Dolphy partikular na ng partner nito na si Zsa Zsa Padilla.
Ipinaliwanag naman ni Annabelle ang kaniyang bersyon ng kwento patungkol sa totoong nangyari sa kanila ni Chito habang nasa lamay sila ni Dolphy. Hinamon umano siya ng naturang reporter kung kaya nagawa niya itong sugurin. Nasa loob daw ng banyo ang asawa ni Annabelle Rama ng mga oras na iyon at hinihintay niyang lumabas. Binastos umano siya nito kung kaya nagawa niya itong sugurin kahit pa sa harap ng maraming tao. Kasalukuyan daw silang nagsasaya ng mga oras na yun kung saan kasama ni Annabelle Rama ang mga Sampaguita stars na kaibigan nila nina Dolphy. Inawat naman daw siya nina Chavit Singson, German Moreno at ang anak ni Dolphy na si Epy Quizon.
Hindi rin natuloy sina Annabelle pumunta sa Cebu dahil sa libing ni Dolphy at gusto nilang pumunta rito. Nagsisisi rin umano si Annabelle Rama at pinatulan niya pa ang reporter dahil gusto niyang respetuhin si Dolphy at pamilya nito. Iginiit niya na self-defense lamang ang ginawa niya dahil hahampasin na umano siya ng hawak nitong iPad. Nakita raw ni Annabelle ang baston kung kaya ito raw ang naging proteksyon niya laban sa reporter. Nagpasalamat naman si Annabelle Rama sa isa sa mga anak ni Dolphy na si Eric Quizon na sinamahan siya sa mga labi ng ama para humingi ng tawad.
Marami naman ang nagbigay ng reaksyon nila patungkol sa hindi umano pagrespeto ng manager sa mga labi ni Dolphy. Pumunta naman si Annabelle sa misa na inalay para kay Dolphy bago ito ilibing. Matatandaang malapit na magkaibigan ang asawa ni Annabelle Rama at si Dolphy kung kaya malapit din ito sa pamilya ng aktor. Ninong naman si Dolphy ng panganay na anak ni Annabelle kung kaya kumpare niya ang King of Comedy. Nilinaw ni Annabelle na hindi niya sinasadya ang gulong nangyari sa lamay ni Dolphy. Nilinaw rin niya na hindi nangyari ang insidente sa chapel kung saan nakalagak ang mga labi ni Dolphy kundi sa hiwalay na kwarto kung saan inilaan para sa mga kaibigan ng aktor.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment