Malaki ang pasasalamat ni Dolphy Jr. kay Zsa Zsa Padilla na longtime partner ng kaniyang ama na si Dolphy. Hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin umano ng kanilang pamilya ang pagtanggap sa pagkawala ng kanilang ama. Malungkot si Dolphy Jr. dahil nawala na raw ang kanilang hinihingan ng advice at ang taong nagpapatawa sa kanila. Siya ang anak ni Dolphy sa dating stage actress na si Engracia Dominguez. Matatandaang nakulong noon si Dolphy Jr. dahil sa kasong arson. Ngayon ay isa nang pastor ang anak ni Dolphy sa Jesus is Lord Church. Naniniwala naman daw si Dolphy na walang kasalanan ang kaniyang anak sa kasong isinampa sa kaniya dahil magkasama silang dalawa nang mangyari ang insidente.
Nagpapasalamat din siya sa Panginoon dahil binigay si Zsa Zsa Padilla bilang partner ng kaniyang ama. Sa 23 taon na pagsasama ng dalawa ay ipinakita raw ni Zsa Zsa kung gaano niya kamahal ang ama ni Dolphy Jr. Sa panahon na ito ay nagkasakit ay hindi raw nawala si Zsa Zsa Padilla sa tabi ni Dolphy na ikinatuwa naman ng kaniyang mga anak. Madalas din daw na nasa ospital ang anak ni Dolphy nang ito ay ma-confine dala ng komplikasyon ng kaniyang sakit na COPD. Ikinuwento ni Dolphy Jr. na ang partner pa mismo ng ama ang nag-ayos dito nang ito ay pumanaw. Si Zsa Zsa Padilla rin ang nag-abala sa pag-aayos ng isusuot ni Dolphy.
0 comments:
Post a Comment