Hindi pa rin matanggap ni Vandolph Quizon ang pagkawala ng ama niyang si Dolphy. Sa libing ay si Vandolph pa mismo ang naging emosyonal kumpara sa iba nitong mga kapatid. Siya ang bunsong anak na lalake ni Dolphy Quizon at nakasama ng komedyante ng matagal bago ito tuluyang pumanaw. Ngayong araw na ito, Linggo, July 15, na nga ihahatid sa huling hantungan ang masasabing minamahal ng lahat sa industriya ng showbiz, ang itinuturing na Hari ng Komedya na si Dolphy. Marami ang nagbigay ng kanilang eulogy o mensahe at mga hindi makakalimutan kay Dolphy at isa na rito si Vandolph Quizon.sa ilang araw na burol nito. Nagbahagi rin ng kanilang mga karanasan ang ilan sa 16 na anak ni Dolphy. Pero marami ang nakapansin na sa mga anak na artista ni Dolphy, si Vandolph Quizon ang isa sa hindi masyadong nagsasalita.
Sa kaniyang pamilya raw humuhugot ng lakas si Vandolph dahil alam niyang siya rin ang inaasahan ng mga ito. Naiintindihan din ng kaniyang mga ank ang nangyari sa kanilang lolo at pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na malalampasan niya rin ang pagsubok na ito. Sa showbiz, sinasabi na sa rami nilang magkakapatid, siya raw ang masasabing pinaka-favorite ni Dolphy sa kanilang mga anak na lalaki. Nangiti naman si Vandolph Quizon sabay sabi ng, âWell, ano lang ako, siguro, kaya lang nasabi dahil lumaki talaga ko sa tabi ng tatay ko. Tapos lahat ng arteng ginagawa ko, under the likes of him. Idol ko yan, e.â Ayon kay Dolphy, âHindi, kamukha ko raw si Alma Moreno, e. Sabi ko, isa lang naman ang kamukha ko kay Dolphy. Pero, hindi na natin dapat pag-usapan yun,â biro pa niya.
Marami rin daw siyang naaalala kay Dolphy at ayon sa kaniya, âLahat e, kapag magkasama kami niyan, parang walang moment na walang punchline, e.â Isa pang balita na lumalabas na muntik na raw ma-mob ang kabaong ni Dolphy dahil sa rami ng tao. Para kay Vandolph Quizon, âSiyempre, ginawang in order ang lahat, isa-isa lang. Although, hindi ko alam. At kung totoo man na nangyari yun, hindi natin maiiwasan yun dahil ang daming nagmamahal sa Tatay ko, âdi ba?  Pero, buti na lang hindi nangyari.â
Ayon kay Vandolph, hindi pa niya alam kung sino ng magiging pallbearer sa libing ng tatay niya. Pero parang gusto nito ang ideya kung silang mga anak nga ang gagawa nito. Alam ni Vandolph Quizon na magiging mahirap ang mga susunod na araw para sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang paggising ay maiisip niya na wala na talaga ang kaniyang ama. Sabi naman ni Vandolph, âBahala naâ¦hinahanda ko na ang sarili ko, kaya ayaw ko munang isipin. Pero, kahit ano naman ang gawin natin, darating din tayo riyan, e. Dagdag ni Vandolph Quizon, all through his life, all through his shows, napakalaki ng nagawa niya para sa bawat Filipino na kahit sabihin mong walang pera, kapag naisip mong Dolphy, kahit sandali lang, napapangiti ang tao. Malaking bagay na yan, e.âWala rin daw malungkot na alala para kay Vandolph dahil madalas umano magbato ng punchline ang kaniyang amang si Dolphy. Hindi niya makakalimutan ang masasayang ala-ala na iniwan ng kaniyang ama dahil siya mismo ang nagturo sa kaniya na maging mabuting ama para sa kaniyang mga anak.  Ayon pa kay Vandolph Quizon, âSiyempre, ginawang in order ang lahat, isa-isa lang. Although, hindi ko alam. At kung totoo man na nangyari yun, hindi natin maiiwasan yun dahil ang daming nagmamahal sa Tatay ko, âdi ba?  Pero, buti na lang hindi nangyari.â Gusto niya raw ang ideyang silang mag-anak ang magsasasamasama para alalahanin ang lahat ng mga ginawa ng kanilang amang si Dolphy. Ang buong Dolphy rin daw ang kaniyang namimiss at lahat ng mga mabubuti nitong gawain na ipinakita para sa mga tao.Kung sakaling mabigyan naman daw si Vandolph Quizon ng pagkakataon na makausap ang ama ay marami raw siyang gustong sabihin kay Dolphy. Unang una na rito ay ang pasasalamat dahil naging tropa niya ang ama noong siya kinailangan nito. Gusto niya rin na gabayan sila ni Dolphy sampu ng kaniyang mga iba pang kapatid. Maging ang buong tao sa Pilipinas ay gusto rin ni Vandolph pabantayan sa kaniyang ama na sigurado raw siya na nasa langit na.Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment