Matapang na hinarap ni Zsa Zsa Padilla ang mga sunod-sunod na interview sa kaniya ng mga media patungkol sa pagkawala ni Dolphy. Masayang nagbalik-tanaw si Zsa Zsa sa kanilang mga huling sandali ng partner na si Dolphy. Aniya, ang masasabi niyang maganda at pangit na ugali ng komedyante ay ang pagiging masyadong mapagbigay nito. Naikuwento niya rin na maingat sila ng kaniyang mga anak pagdating sa mga materyal na bagay dahil gustong-gusto raw ni Dolphy na binibigay agad sa kanila kung ano man ang kanilang hilingin. Hindi itinatanggi ni Zsa Zsa Padilla na pinapag-awayan nila ni Dolphy ang pagtatrabaho nito kahit na may sakit na. Minsan ay nahuhuli niya raw ang partner na nagti-taping pa at kapag kinompronta na raw niya ay ano-ano ang mga sinasagot nito sa kaniya.
Paglilinaw ng Divine Diva, alam niyang ginagawa ito ni Dolphy hindi dahil sa pera kundi dahil naging buhay na talaga ng aktor ang telebisyon kung kaya hindi na nito kayang tanggihan pa ang pagtatrabaho. Minsan ay umuuwi rin naman si Dolphy sa kanilang tahanan dahil hindi niya kinakaya ang trabaho. Natatawa na lang daw si Zsa Zsa Padilla sa mga ginagawang pagtakas ng partner dahil madalas niya raw itong mabuking. Naiintindihan naman daw niya ito dahil siya mismo ay workaholic din katulad ni Dolphy.
Naikuwento rin ni Zsa Zsa ang biniling kabaong noon ni Dolphy na umabot umano sa malaking halaga. Bago pa noon ang relasyon nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla nang lumabas ang balitang ito. Kinompronta naman daw ng singer-actress si Dolphy pautngkol dito at sinabi na lang sa kaniya nito na kung mahal raw ng isang tao ang kaniyang pamilya ay gagawin nila ang pagbili ng kabaong habang maaga pa. Itinanggi niya naman na nagkakahalaga ng milyon ang naturang kabaong na binili ni Dolphy taliwas sa mga lumalabas na balita noon.
Aminado si Zsa Zsa na hindi naging madali ang kanilang 23 taon na pagsasama ni Dolphy dahil pareho silang may mga anak sa dating mga karelasyon. May isang anak si Zsa Zsa Padilla sa kaniyang dating asawa at ito ay ang singer na si Karylle. Sa eulogy na ginawa niya sa ABS-CBN ay kinanta niya ang awiting Through The Years na nagsilbi umanong theme song nila ng kaniyang komedyanteng partner. Hindi itinanggi ni Zsa Zsa na hindi siya noon sanay sa kanilang set-up ni Dolphy kung saan madalas itong maraming kasama kung kaya ito ang naging dahilan ng kanilang hindi pagkakasunduan ng singer.
Sa pagkaka-ospital ni Dolphy ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga anak nito na makasama at makausap si Zsa Zsa Padilla. Nahirapan din umano silang makita ang komedyante na nasa ICU at maraming nakakabit na tubo sa katawan. Ang huling ginawa kay Dolphy ay ang tracheotomy para matulungan siyang makahinga nang maayos. Ayaw din ni Dolphy na umabot siya sa ganitong sitwasyon ngunit pakiramdam ni Zsa Zsa ay hindi siya maiintindihan ng iba lalo na ang mga anak ng partner kapag sinunod niya ang gusto nito. Naiintindihan na rin daw niya ang mga sandaling tumagal sa ICU ang partner dahil ito raw ang nagbigay ng pagkakataon na sila ay magkaisa dahil matagal na itong hinihintay ni Dolphy.
Tatlong beses sinabihan sina Zsa Zsa Padilla ng mga doktor na posibleng isang araw na lang ang itinagal ni Dolphy noong ito ay nasa kritikal na kondisyon. Madalas naman niyang ibulong kay Dolphy na wag na itong mag-alala sa kaniyang maiiwan na pamilya. Sinasabihan din ni Zsa Zsa kay Dolphy ng mga katagang, Â âCome home to Jesusâ. Gusto rin daw ni Zsa Zsa na magparamdam sa kaniya si Dolphy dahil gusto niya itong mayakap. Ang huling naging mensahe umano ni Dolphy kay Zsa Zsa Padilla ay ang, “I love you” na hinding-hindii makakalimutan ng singer-actress.
0 comments:
Post a Comment