Dahil sa tinagal ng relasyon nina Chris Tiu at girlfriend nitong si Clarisse Ong ay inaasahan na ng ilan ang kanilang pagpapakasal. Isang investment banker ang dalagang si Clarisse na halos 11 taon nang nobya ni Chris. Nagsimula ang kanilang relasyon noong sila ay nasa third year high school pa lamang ang binatang si Chris Tiu. Nilinaw ng binata na may plano na siya patungkol sa pagpapakasal nila ni Clarisse Ong pero wala pa siyang partikular na timetable para rito. Sa ngayon ay hindi naman daw nagmamadali ang dalawa. Itinanggi ni Chris na naiinip na ang kaniyang nobya na si Clarisse sa kaniyang pag-propose dahil ito rin ay career oriented katulad niya.
Alam din daw ni Chris Tiu ang mga maaaring panganib ng isang long-term relationship katulad ng kanila ni Clarisse Ong. Aniya, may mga kakilala raw siya na matagal nang magkarelasyon ngunit nauuwi naman daw ito sa hiwalayan. Para kay Chris, malalaman naman daw nila ng nobyang si Clarisse kung panahon na ngang magpakasal dahil kung para talaga sila sa isa’t-isa ay mangyayari ito. Sa ngayon ay hindi naman daw hawak nina Chris Tiu at Clarisse Ong ang kanilang hinaharap kung kaya hindi muna sila magsasalita ng tapos.
Inamin ng binatang basketbolista at negosyante na si Clarisse lamang ang kaniyang naging nobya. Sa tinagal ng relasyon nila ni Chris ay hindi raw nangyari na nagkaroo ng ibang babae ang binata o sinubukan man lang daw na manligaw ng iba. Naitanong naman kay Chris Tiu kung hindi siya natukso sa mga magagandang babae na nakakasalamuha niya lalo na sa mga dalagang nasa showbiz. Aniya, alam naman ng mga ito na nobya niya si Clarisse Ong kung kaya hindi na sinusubukan pa ng mga ito na guluhin pa ang kanilang relasyon.
Sa 11 na taon ng pagsasama nina Chris at Clarisse ay nagkaroon naman daw ng panahon na nag-cool off silang magkasintahan. Gayunpaman hindi naman daw nawala ang pagiging faithful ng binata sa bank investor. Bawal din daw silang mag live-in katulad ng ibang mga magkasintahan na matagal na ang relasyon. Pareho kasing relihiyoso ang pamiya nina Chris Tiu at Clarisse Ong kaya ang mga values nila ay kanilang pinaninindigan. Kung kaya isa ito sa malaking pinagbabawal ng mga magulang ng magkasintahan.
Malaking bagay naman kay Chris ang ginawang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang kung kaya gusto niyang maging maganda rin ang samahan nila ni Clarisse. Walang bisyo ang binata at umiinom lamang sa mga panahong may okasyon. Minsan daw ay may mga kaibigan si Chris Tiu na nagkakaroon ng problema sa kanilang mga karelasyon dahil walang namulatang magandang relasyon ng mga magulang. Aminado siya na hindi naman daw talaga siya perpektong boyfriend kay Clarisse Ong dahil sa kaniyang pagiging masyadong tutok sa trabaho.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment