Hindi na makapaghintay ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kaniyang pagbabalik teleserye kasama si Robin Padilla na napapabalitang magkakaroon ng kissing scene. Sa talk show ni Kris ay nabanggit nito na nakatakda siyang gawin ang isang kissing scene kasama ang dati niyang nobyo na si Robin Padilla. Ang action star ang magsisilbing leading man sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw na ipapalabas sa Kapamilya network. Mukhang tuloy na tuloy na nga ang proyekto ng dalawa na nabanggit noon ni Kris Aquino sa kaniyang mga panayam.
Kasalukuyan nang abala sina Robin at Kris sa pag-taping ng ilan sa kanilang mga eksena sa serye. Sa isang cooking show segment ng KrisTV ay umiwas na magluto ang host para maiwasang mangamoy ang buhok dahil magkakaroon sila ng engagment party na eksena sa araw na iyon. Gaganap bilang magkasintahan sa teleserye si Robin Padilla at Kris Aquino. Ayaw naman daw ng aktres na mangamoy ulam siya kapag nagkadikit sila sa mga eksena ng dating nobyo.
Tinanggihan din ng aktres na kumain ng ground pork dish na inihain ng kaniyang mga guest na sina Roy Roquejo at Alec Dungo bilang paggalang na rin umano ni Kris sa relihiyon ni Robin na Muslim. Ito ay dahil na rin may kissing scene nila ni Robin Padilla at gusto niya namang respetuhin ang mga paniniwala ng isang katulad ng aktor. Kinumpirma rin ni Kris Aquino na sa darating na Oktubre ay maaari nang mapanood ang kanilang serye.
Makakasama rin nina Robin at Kris ang dalagang aktres na si Anne Curtis na pare-pareho ring abala sa kanilang mga proyekto sa telibisyon at pelikula. Sa official Twitter account ni Kris Aquino ay ibinahagi niya sa kaniyang mga tagahanga ang isang eksena kung saan kasama niya ang leading man nito na si Robin Padilla. Noong nakaraang Pebrero ay nagsimula nang mag-taping ang casts ng teleserye kung kaya ilang episode na rin ang kanilang napaghandaan.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment