Bago pa lumipad si Derek Ramsay ng London para pumunta sa Olympics ay nagpaunlak ito ng isang panayam patungkol sa kanilang kasalukuyang estado ni Angelica Panganiban. Aminado naman si Derek na hindi naging madali para sa kaniya ang hilumin ang sugat na naiwan sa kanilang anim na taong pagsasama ni Angelica. Noong una ay nahirapan daw talaga si Derek Ramsay at hindi alam kung saan ilalagay ang sarili dahil ang anim na taon na kasama si Angelica Panganiban ay ang pinakamasayang nangyari sa kaniyang buhay. Sa ngayon ay nagiging abala na lamang daw sa trabaho ang binata para hindi na masyadong makapag-isip ng mga bagay-bagay.
Alam naman daw ni Derek na masaya na ang nobyang si Angelica at maging ang kaniyang puso ay masaya na rin. Hindi naman umano mawawala ang mga ala-ala na kanilang pinagsamahan ng dating nobya. Sa ngayon ay handa na raw mag-move on ang binata. Kung sakali naman daw na makahanap na si Angelica Panganiban ng bagong lalake sa kaniyang buhay ay magiging masaya rito si Derek Ramsay. Hindi naman daw kasi naniniwala si Derek sa three-month rule kung saan kailangan munang maghintay ng dating magkasintahan ng tatlong buwan para magkaroon ng panibagong relasyon.
Suporta naman daw ang maibibigay niya sa kasiyahang makakamit ni Angelica Panganiban kahit na wala na silang relasyon ng binata. Sa ngayon ay bukas naman daw si Derek Ramsay sa bagong pag-ibig. Pwede naman daw siyang makipag-date at pwede na rin daw magmahal. Hindi naman naghahanap si Derek ng babaeng ipapalit kay Angelica dahil ayon sa kaniya ay darating din naman daw ito. Marami na rin daw siyang natutunan sa loob ng anim na taong pagsasama nila ni Angelica Panganiban at magagandang bagay lamang daw ang kaniyang masasabi ni Derek Ramsay sa aktres.
Wala namang ibinigay na partikular na requirements ang athlete-actor sa mga kaniyang potensyal na magiging nobya. Para kay Derek hindi naman daw kailangan na katulad ni Angelica ang kaniyang magiging bagong nobya. Mas mahalaga sa kaniya na hindi na gagawin ang mga pagkakamaling ginawa niya noon sa dati niyang relasyon. Wala naman daw nagawang kasalanan sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay sa isa’t-isa ngunit tila hindi raw talaga sila para sa isa’t-isa.
Hindi itinanggi ni Derek na mas gugustuhin niya na ngayon na makipagrelasyon sa isang non-showbiz na dalaga dahil kahit papaano ay magiging pribado pa rin ang kanilang buhay. Matatndaang isa sila ni Angelica sa mga hinahangaang showbiz couple noon na kahit na madalas batuhin ng intriga ang relasyon ay tumagal pa rin ito ng ilang taon. Aminado rin si Derek Ramsay noon na inakala niyang may perpekto silang formula ni Angelica Panganiban sa kanilang relasyon ngunit naapektuhan pa rin sila nito kung kaya nauwi rin sa hiwalayan.
0 comments:
Post a Comment